H&S14

55 6 0
                                    

*Mheirim's Pov*

Sobrang saya ko ngayon dahil may nangyaring bago sa buhay ko. Nakakahiya mang aminin pero isa sa Ideal guy ko ay yung marunong magluto. Gentleman si Eyb given na sa lahat ng babae na yun ang gusto nila sa isang guy, Pero kung titignan mo si Eyb, pang husband material sya'! Whattt! Matagal pa naman yung pag -aasawa.nubah!

Pupunta akong Tea House kay lolo Laochu, dito na ata ang pinakamasarap na siomai na natikman ko. Kilala naman ni mama si lolo Laochu , alam ni mama na pumupunta ako dito para dalawin lang yung siomai di rin naman to kalayuan sa village namin. May isang Village dito sa amin na kung tawagin ay Shiwu Di Difang,  noon ay mga Chinese restaurant lang ngayon iba-iba na.

"Mr. Laochuuuu" sabi ko habang nakatalikod siya at yumakap naman ako sa kanya. Para ko narin siyang lolo.

"sabi ko na nga ba, ikaw punta dito ngayon, kumusta ikaw eskwela"
masayang sabi niya. haha. Ganyan siya pag nagsalita pero fluent mag english.

"Okay naman po, hello ate shani" nang dumaan si ate shani, Isa siya sa waitress pero matagal narin nagwowork dito.

"Hello Dee, buti nakapasyal ka"

"Oo nga po ate, hehe"

"Kahit ikaw pasyal araw-araw dito ha.. " parang kaibigan ang turing niya sa mga tauhan niya. ang alam ko patay na ang asawa niya

"Haha. Opo meron po bang nagpadeliver ngayon" tanong ko dahil excited ako magmotor bike.hehe. nakakagamit lang ako nun pag may deliver para narin akong namamasyal.

"tamang-tama, may nagpadeliver" Eto nga pala yung sideline ko. Hehe. Libre na ang siomai may pera pa ko. Dedeliver ko lang yung mga may order sa kanila. Pero sa kalapit lang dito sa lugar hindi sa malayo dahil may mga delivery boy naman sila.

"wag na ikaw deliver sila nalang gawa non" si Mr. Laochu.

"Gusto ko pong mag motor bike eh, sige na po mr laochu. Pleasee"

"Hihi, sige na nga ,ikaw talaga"

"yeyyyy" at yun na nga pumunta nako,malapit lang naman. Naeenjoy ko talaga yung ganito, nalalasap ko yung sariwang hangin. Kahit papano naiibsan yung kalungkutan ko.

Konti lang naman at bumalik nako sa  Tea House nakipagkwentuhan lang ako matapos kumain ng maraming siomai. Haha. Umuwi narin ako dahil ayaw ni mama na nagpapagabi ako. Isa itong lugar na nasa puso ko. hayyyyy!.

Pag-uwi ko wala parin si mama.  Ang hirap ng dalawa lang kayong pamilya kaya kanina sobrang saya ko na nandito yung mga kaibigan ko pati narin si Eyb!

Pumasok na ako sa kwarto dahil alam ko gagabihin na ng uwi si mama. Naramdaman ko nalang ng madaling araw nang may humalik sa noo ko. Alam ko si mama yun. Sobrang inaantok naman ako kaya. Niyakap ko nalang si mama Niyakap niya rin ako pabalik. Ganito siya lagi pag di na niya ko naabutan na gising dahil maaga rin akong natutulog.

*Monday*

"Anak gising na sabay na tayong breakfast" gising naman na ako. At nakaligo na. Hindi ko alam bakit parang excited akong pumasok.

"lumabas naman na ko ng kwarto, good morning ma"

"Oh, nakabihis ka na pala, maaga pa anak"

"Okay lang ma, hehe maya-maya andiyan narin naman na si manong"

"May good news ako sayo dee" nakangiting sabi ni mama.

"ano yun ma?" nakangiti ko rin tanong dahil parang good mood si mama at hindi stress sa work!

"Nana Pinang will be back soon"

Let's Play : Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon