H&S7

48 7 0
                                    

EYB'S POV

Nagising ako nang may tumatawag sa phone ko! Tssskkk disturbing..
Tinignan ko kung sino yung tumatawag!

*Havana's Calling*
Kanina pa tumatawag naka 10 miscalls na siya. Iniisip ko kung sasagutin ko ba. Ano ba talaga ang gusto niya. At sa huli ay sinagot ko narin.

"Hello Eyb" malungkot yung boses niya.

"Yes"

"Can we talk? I mean let's talk!"

"About what?"

"About us!" Huhh! Seriously?!

"Seriously Havana?"

"I wan't to explain everything! Please just hear me first"  Ano bang akala niya sakin.

"There's nothing between us Havana, you don't need to explain"

"But Eyb, ..."

"Please Havana it's the First week of school, marami pa akong aasikasuhin sa SC bye" pagpapaliwanag ko sa kanya.  At binaba ko nalang yung call para di kona marinig yung sasabihin niya.

Aaminin ko last year ko lang siya niligawan but we're friends before with luke and Yen! Mabait naman si Havana pero nalaman ko nalang bigla na naging sila ni Denver na hanggang ngayon di parin pumapasok. Siya ang president kaya dapat first day palang present na siya. Broken hearted nga pala! Tssskkk. Bading.

Nagalit ako nung time na yun siyempre dahil parang inapakan yung pagkalalaki ko. Tanggap ko sa sarili ko na hindi ako sinagot ni Havana, but the feeling of being rejected is something worse than I thought.

Many people especially my relatives, friends and other girls in school admires me of being me. Minsan nga naririndi na ko sa kakasigaw nila ng pangalan ko. Then she just rejected me, what the fu*k! Nalaman pa ng buong campus. I felt devastated that time kung anong iniisip ng tao sakin.
Ayaw ko yung pakiramdam ng kinakaawaan ako ng ibang tao. Pero hindi naman ako umabot sa point na dinamdam at nagmukmok at di na pumasok sa school.

Kaya I need help from this girl "mheirim"! Thank God she agreed. Knowing Havana.
And that girl really impressed me, I admit I was wrong that I'm too confident of myself, I  underestimate who she is.
Kala ko bibigay agad. Tssk! Hopefully she will do her role well in this pretending thing as I'm her suitor! Ang suwerte niya parin no! Ang daming nangangarap na ligawan ko. Well we're just pretending after all! Basta suwerte parin siya! Tapos

Isa pang iniisip ko si Denver, dahil hanggang ngayon hindi parin siya pumapasok, kailangan namin siya sa SC dahil may General program kami next week, buong fourth Year dapat may participation even the first sections in all levels. Where the hell are you? Try ko nalang patawagan mamaya kay Jenny she's the secretary by the way.

Even Havana she's not attending the first 2 days of school for goodness sake. Buti nalang nandiyan si Luke at Yen kasama ko lagi kahit di sila part ng SC!
the Dean's office give as the responsibility in any events, programs even meetings sometimes, minsan excuse na kami sa klase but we need to take our examinations on time.

Hindi narin nagtagal pumasok na ko. Sabay-sabay lang kami nila Luke and Ynno na dumating. Nagulat din ako na may dumatung pang isang sasakyan, at lumabas doon si Havana!

"Good morning Luke, Ynno" ngiting-ngiti na bungad niya samantalang nung kausap ko kanina parang matamlay ang boses niya.

"Goodmorning too Havana" bati din ng dalawa sa kanya. ngumiti lang ulit siya sabay tingin sa gawi ko.

"Good morning Eyb" sabay lapit sa akin.

"Hmm. Morning" bati ko nalang din sa kanya. Dahil nagugulat ko At biglang feeling close ulit samin.
Nakisabay nalang din sila Ynno, na nung una nag aalangan din sila.

"May meeting tayong sc diba?" Tanong niya sakin.

"Yah!" sabay tango ko narin.

"Alright! Sabay na tayong pumunta doon mamaya ah!" Masiglang suggestion niya pa, na di ko alam pero di ko nagustuhan yung nais niyo. Di nalang ako sumagot.

"Let's go! Sabay-sabay na tayong pumunta sa classroom" maging sila Luke natutulala sa sinasabi niya. Tsskkk.

"Tara na, Luke, Ynno, I just miss all of this"

"H-hehehe mukha nga" halata namang napipilitang tumawa ni Ynno.

"really Havana?" Tanong naman ni Luke na parang di narin mapigilan yung iritasyon niya sa nangyayari"

"Yes, why?"

"okay sabi mo!Let's go Eyb"

di na sinagot ni Luke si Havana at nauna ng naglakad samin. Sumunod naman ako at naiinis ako dahil tumatabi siya sa akin mag lakad!

"Ohhh giisssh! Look at them guyss!" sabi ng isang student sa kaibigan niya pero hindi mawawala sa pandinig namin.

"Whattt, no wayyy, Eyb layuan mo na yan"

"Ang kapal naman ng mukha niya,"

"Ako nalang Eyb sasaktan ka lang ulit niyan"
at naiinis na ko papasok palang kami sa entrance pero ganyan na lahat naririnig ko.

"Omg , sila naman talaga ang bagay noon pa" at nakita kong ngumiti pa si Havana. wtf! Grrrtr! Nagmadali nalang akong pumasok.
Ngunit bago pa kami makapasok tumigil naman ang isang School bus. Nabuhayan ako sa usip ko dahil alam kong si Mherim ang isa sa lulan nun.

Di nga ako nagkamali ng huli siya lumabas. Inunahan ko na sila Havana, Luke at Ynno na makarating sa harap para makaiwas narin kay Havana.

Naglalakad na siya papasok ng tinawag ko siya.

"Mheirim" hindi naman malakas pero alam ko rinig niya yun. Kaya siya lumingon.

"Good morning" pag bati ko pa sa kanya Habang nakangiti!

"G-Good morning din" balik na pagbati niya sa akin. At tumingin siya sa bandang likuran ko .

At kita ko naman ang nakasimangot na si Havana at si Luke at Ynno na may nagtatanong na tingin. Sineniyasan ko silang dalawa gamit ang aking mga mata at sana magets naman nila.  Sabay tingin nila kay Havana.

"Ah, hello mheirim, good morning" buti nalang nagets ni Luke yung gusto kong iparating.

"Good morning" tinignan ko naman si Ynno.

"H-Helloo, kilala niyo siyang dalawa? Turo pa niya kay mheirin. Bwisit talaga tong Ynno na to. Siniko naman siya ni Luke.

"kayo naman I-i'm just kidding, good morning mhei-mhei" mhei-mhei really? Tsssk.

"Good morning"  sagot naman ni mheirim, mahahalata mo naman kay Havana na nag-iba yung mood niya. Tssk.

"Aakyat kana ng classroom?" tanong ko kay mheirim.

"A-ah oo"

"Good, sabay kana samin" masayang oagyaya kp sa kanya.  Natutuliro siya sa nangyayari, sana malaman niya na nag uumpisa na ang laro. Tsssk.

"Ano kasi..

"Ano kaba tara na" at bigla ko nalang hinawakan yung kamay niya para sumunod na siya.

"Ohhh my God! nakita niyo girls"

"Who is she?"

"Who's that girl "

tanong ng nasa paligid namin.  Great, just great bahala kayo mag-isip.

Nang naglalakad na kami sa hallway nagpupumiglas pa si mheirim.

"Pwede ba bitawan mo ko!"

"Just this time please, nandiyan si Havana sa likod"

"Alam ko pero pwedo namang wag mo kong hawakan"

"Tsssk. Okay! Basta huwag ka masyadong lumayo sa tabi ko" sabi ko pa.

"Wow hah!" at binitawan ko na ang braso niya. Medyo konti palang ang tao dahil maaga din kasi kaming pumasok.





Let's Play : Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon