Chapter 1 - Where it all started

69 0 0
                                    

L's POV

Hay pasukan na naman. 4th year na ko ngayon. Dito na ko ngayon mag aaral sa Pilipinas. Galing kasi ako ng Japan eh. Dun ako lumaki pero tuwing vacation umuuwi naman kami dito. Filipino kasi dad ko eh. 

"L isuot mo na tong uniform mo oh. Tsaka kumain ka na para di ka malate" sabi sakin ni yaya Ja. Nasa Japan kasi sina mama at papa eh. So naiwan ako dito sa bahay namin. Kasama ko lang dito si yaya, yung driver tsaka si Smoochie, yung aso ko.

"Thank you yaya. Paki sabi na lang kay manong pahanda nung sasakyan. Aalis na ko pagtapos kong kumain" Nagtataka kayo kung bakit ang galing kong mag tagalog? Eh si mama kung kakausapin ako nagtatagalog eh.

Nagtataka kayo kung bakit L ang pangalan ko? Michelle yan. L lang para shortcut. Walang ka effort-effort. L Rodriguez. Pati nga sa brother ko eh. Cav lang. Matipid sila eh. Pero di ko siya real brother. Adopted lang kasi siya. Medyo nag rebelde nga yun nung nalaman niya eh. Sumali sa frat. Buti na lang tumigil nung na aksidente. Pero okay na siya ngayon. Inoperahan lang yung ibang bahagi ng face niya. Saklap no. Balik na sa story ko.

So ayun, nag drive na kami papuntang school. Mga 10 minutes yung biyahe. Bumaba na ko sa sasakyan at nilakad ko na lang kasi may traffic eh. Malapit na ko sa gate ng school kaya lang nakakita ako ng matandang pulubi sa gilid ng daan. 

Naawa ako so..

Kinuha ko yung savings ko sa wallet ko na 200 pesos tapos yung baon kong pang lunch.

Gutom na kung gutom. Naawawa ako pag nakakakita ako ng matanda eh. Lola ko kasi yung nagbantay sakin habang nagtatrabaho sina mama at papa kaya mas malapit ako sa mga matatanda kesa sa mga bata. 

Nakita kong sinenyasan na ko ng mga students na nagbabantay sa gate. Sasarhan na ata. Kaya lang nakaka awa talaga yung matanda eh. Sandali lang naman to.

"Hello po lola. Nakapag almusal na po ba kayo? Eto po oh may extrang kanin ako dito tsaka ulam. Inyo na lang po. Tsaka po pag nagutom kayo eto po oh. Pambili niyo na lang. Sorry po kung kulang yung pera ha. Yan lang po kasi savings ko ngayon. Pero babalik po ulit ako bukas"

"Nako ineng. Salamat ha. Malaking tulong na ito. Pagpalain ka ng Diyos"

"Sige po lola, una na ko. Late na po kasi ako eh"

Nag wave-wave ako kay lola tapos pagtingin ko sa gate, sarado na. Ughhh malas!  

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko tapos hinila ako.

Sisigaw sana ako eh. Kala ko kidnapper.

"Wag kang maingay. Tutulungan kitang makapasok" pagtingin ko, nawalan ako ng gana sa nakita ko. Isa siyang lalaki. Lalaki. Ang mga creatures na pinaka ayaw ko. Hinila niya ako papunta sa back gate ng school.

"Teka nga! Bat ka ba nang hihila bigla?" tanong ko sa kanya. Baliw ba to? Nanghihigit na lang bigla. 

"Ayaw mong makapasok? Bahala ka sa buhay mo" Magsisimula na sana siyang umakyat dun sa gate. Ano to? Iwanan? Nagsosolo bigla

"Teka! Sama ako!" Siyempre ano kaya yun? Papaiwan ba ko?

"Tss. Akyat." Sabi niya tapos nag smile siya. Haba ng sinabi niya no?

"Ha?" Sabi ko naman. Ano to? Paakyatin niya ko ng nakapalda? 

"Sabi ko akyat na! Pangit mo na nga ambingi mo pa" Alam ko namang pangit ako pero dapat talagang ipagsigawan? 

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon