Chapter 3 - My Savior

32 0 0
                                    

L's POV

Excited ako ngayon! Wooooo. May film showing kami eh. Yung title ng movie is............

Black Swan.

De joke lang.

The Incredible Hulk yung papanoorin namin.

About kasi siya sa radiation thingy. Di ko kasi maintindihan yung sinasabi ni Ms. Cruz kanina. Ingay-ingay kasi ng mga kaklase ko. Pagkarinig na may film showing nagsigawan agad. Sarap pektusan. Napaka ingay. 

As usual yung katabi kong manyak natutulog lang.

Edi ginising ko siya. Lumabas na lahat eh. Kami na lang naiwan.

"Hoy manyak! Gising na uy!" sabi ko sa kanya sabay tusok tusok ng kamay niya

Bumangon siya tapos inirapan ako tapos sinarhan ako ng pinto. Bastos to ah. 

Paglabas ko, hinihintay pala ako ni Kat sa labas.

"Ano na naman ginawa mo dun?" tanong niya sakin

"Yaan mo yun. Nagmemenopause na kasi."

tumawa lang siya.

Pagpasok namin sa room, lahat sila nakatayo pa. Tapos pinalinya kami by class number.

Hay kung sinuswerte nga naman.

Magkatabi na naman ang dalawang Rodriguez.

Never in my whole life kinasuklaman ko tong last name ko. Ngayon lang.

Pag upo namin, nakayuko lang siya. Matutulog na naman siguro. Ano ba ginagawa nito kung gabi? Laging puyat eh.

Nanood na lang ako. Di naman masyadong maingay kasi yung mga "sobrang tahimik kong classmates na masarap istapler ang bibig" ay nasa harapan.

Maya-maya, nakita ko si Seven na may kinukuhang something sa bulsa niya.

"Uy superbite. Penge ako." feel ko siyang kainin ngayon. weird ang cravings ko ngayon. siguro dahil sa monthly period ko

"Mangisay ka muna." Bwiset! Patience L. Ikaw nanghihingi kaya pagpasensyahan mo siya

"Pleaseeee" sabi ko sa kanya with matching puppy eyes

"Ay bibigyan ko na sana kaya lang naalala ko, pwede ba kumain neto yung mga amazona?" sabi niya with matching smile smile pa.

tumayo ako tapos sinigawan ko siya

"Hoy manyak ka andamot-damot mo! Edi isaksak mo sa esophagus mo yang superbite mo! Bibili din ako niyan mamaya kala mo! Di rin kita bibigyan! Bakit ka kumakakain niyan? eh bawal yang para sa mga hayop ah!" sabi ko sa kanya na parang lalabas na yung lalamunan ko sa pagsigaw

"The two Rodriguez' please get out!" tanong ni Miss Cruz sakin.

 edi ayun lumabas kami. Nagdabog dabog pa nga si Seven. Napakachildish

"Alam mo, Bumalik ka sa lang sa kweba mo. Bagay ka dun. Ingay-ingay mo." Sabi niya yan sabay hagis ng isang pakete ng superbite sakin

"Tss. Mamimigay din pala arte-arte pa." sabi ko ng nakasmile. Anlaking bagay na kaya nito.

"Hoy amazona. Di ka ba tinuruan ng nanay mong taong tabon kung pano magpasalamat pag binibigyan sa kweba niyo?"

"Makapanglait! Oo alam kong pangit ako! Kelangan talagang uli-ulitin yung amazona na word eh noh. Oo na salamat!"

ngumiti lang siya. Hayaan niyo siya minsan lang siya ngumiti. Napaka bipolar nitong taong to. Parang kanina lang halos wasakin niya mukha ko sa pader dahil ginising ko siya tapos ngayon naman tatawa-tawa na ang mokong.

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon