Seven's POV
Napaka gaya-gaya naman netong babaeng to. Lahat na lang ng sasabihin ko eh no.
"Gaya-gaya ka na nga ng sinasabi ko, pati apilyido ko sinunod mo na rin!" Yan! Sana tumahimik ka na sa sinabi kong yan! Kala mo kung sinong anghel nung tulungan yung matanda kanina.
"Wag kang mag alala! Simula nung nalaman kong magka apilyido tayo, nasusuka na ko sa apilyido ko! Saksak mo sa baga mo yang Rodriguez mo na apilyido! Wala akong kaapilyido na manyak!" aba at ako pa talaga ang pinalabas na masama ng babaeng to. Nyeta sarap pektusan ah.
"Wala rin akong ka apilyidong pangit at amazona" Nagsitawanan yung mga classmates namin sa sagutan namin ni amazona. Nakakatawa pa kasi yung accent niya para siyang mabubulol na matatae.
"Parang mag asawa lang ah! Kakakilala pa lang, may LQ na agad" sigaw nung classmate namin. Mas lumakas yung tawanan nila. Tiningnan ko sila ng masama tapos tumahimik din sila.
"Ahem.. Ahem.. The 2 Rodriguez' please sit down" sabi nung kumag na teacher
Nag lesson na yung teacher tapos natulog na lang ulit ako.
"Hello! I'm Vinn. Eto nasa left ko, sya si Jake at yung sa right naman si Dave."
"Hellooooo! Ako si L. Sana maging friends tayo."
Nakakairita ang boses ng babaeng to. Sarap kunin yung esophagus at pharynx niya para tumahimik siya.
"Tumahimik ka nga! Ingay-ingay!" sita ko sa kanya
"Inggit ka? Gaya ka!!"
"Bat naman ako maiingit sayo?" bukod sa pangit ka at amazona pa yang ugali mo, ano bang ika iingit ko sayo?
"Lahat" wow men. kapal
tumayo na lang ako at lumabas ng kwarto. Baka masuntok ko pa yun eh.
L's POV
"Anyari dun?" tanong ko kay Jake
"Ah, ganun talaga yun pag naingayan. Nagbaback-out. Yaan mo siya, normal lang yan para sa kanya"
"Pwede ba yun? Di ba yun papagalitan?"
"Hindi naman siguro. Pagsasabihan lang pero hindi naman yan magagalaw ng teachers kasi anlaking support ang binibigay ng parents niyan sa school." ohhh. bribery!
"Spoiled rich kid. Tss. Sayang gwapo pa naman kaya lang tamad mag aral" never ko kasi talagang naging type ang tamad na tao
"Sinabi mo pa. Wala ngang laman bag niyan eh." sabi niya tas tumawa siya
"Eh san siya pumupunta pag nag cu-cutting siya?"
"Ewan ko diyan. Baka nag yosi sa labas" yuck smoker.
"Ah." haba ng sinabi ko eh no.
Recess
"L!" May narinig akong boses na sumisigaw ng pangalan ko
"Kat! Dito ka pala nag aaral? Namiss kita." Si Kat pala. Yung bestfriend ko. Mag kapit bahay kami noon kaya lang nung pumunta na ako sa Japan nagkaseparate kami pero siya yung unang naging bestfriend ko.
"Oo. Di nga kita namukhaan nung una eh. Laki ng pinagbago mo. Pero yung mata mo, singkit na singkit pa rin. Nakakakita ka pa ba ng lagay na yan?" tanong niya. Obvious ba? Edi sana di kita nakita
"Eh kung bulagin kaya kita para di mo ko makita"
"Dejoke lang bespren. To naman. Naka recess ka na ba? Sabay na lang tayo!"
"Kay." Umorder na kami ng food tapos pumunta sa vacant table
"Anong section mo?" tanong ko sa kanya
"IV-2. Ikaw?"
"IV-2 din ako eh. Bat di kita nakita kanina?" Para kasing di ko siya nakita kanina eh
"Liit kasi ng mata mo eh. Ganda ganda ng speech niyo kanina ni Seven. haha"
"Hephep! Wag mo ng ipaalala sakin yun."
"Haha. Ganda kaya nun. Epic eh. Tas magkapareho pa kayo ng apilyido. Di ko nga ineexpect na magkakasagutan kayo ni Seven eh. Usually kasi matutulog lang yun o di kaya hahayaan ka lang niyang magsalita at mag wa-walk out. Siga kasi yun eh. Para kayong mag asawa"
"Pano naging siga yun?" tanong ko sa kanya.
"Siga. Gangster"
"Tange. Di ko sinabing englisin mo. I explain mo kung pano siya naging gangster."
"Tss. Sabi nila sumali daw siya sa fraternity noon eh. Kaya lang kumalas siya dahil yung girlfriend niya nagkagusto dun sa leader ng frat nila. Halos mapatay nga raw niya yun eh. Pero di niya nagawa. Binasag niya lang yung mukha. Tapos yung babae, di ko na alam. Tapos nun, naging ganyan na siya. Bestfriend niya dati sina Vinn at Jake. Sumasama parin naman siya ngayon pero madalas mag isa eh. Parang naging loner na siya. Nag cu-cutting classes na siya tapos parang tinamad mag aral."
"Pang MMK ang story niya, teh. Bat ba kasi sinulot pa yung girlfriend niya. Yan tuloy nasira buhay niya. Ano ba pangalan nung fraternity?"
"Ewan! Basta alam ko yung leader nun na umagaw sa girlfriend niya is Cav. Actually, di naman inagaw eh. Sumama daw ng kusa. Sayang nga kasi kahit di siya masyadong maganda mahal na mahal siya ni Seven."
"Cav? Kapangalan ng kuya ko ah."
-----------------------------------------------------------------------
Okay. I know its bitin.
BINABASA MO ANG
My One and Only
HumorMortal enemy ko yung kumag na yun. Kung di lang masama pumatay, nakalibing na yung siga na yun. Pasalamat siya crush ko siya. Kung di lang babae yun, sasapakin ko yun eh. Pag ako talaga nainis, ipapalapa ko sa leon yung babaeng yun. Pasalamat siya m...