Seven's POV
"Pucha." Yun na lang ang nasabi ko. P*nyeta naman kase! Sino ba namang matinong tao ang susuka sa mukha ng iba. Sabagay, di naman kasi matino tong taong to. Pagkatapos akong sukahan, tinulugan lang ako.
Edi pinahiga ko muna siya sa couch tapos naligo na ko at nagbihis. At syempre nag toothbrush.
Tapos habang nagsisipilyo ako, tinitingnan ko siyang matulog. Di naman sa manyak ako o ano, pero may suka yung damit niya eh. Tas namumula pa siya. As in pulang pula. Pati yung paa at yung braso namumula din.
Nagmumog na ko tas bumalik sa sala. "Pano ko naman papalitan ang damit nitong balahubas na amazona na to?" Napatanong na lang ako sa sarili ko.
L, sorry. Pero mag-aamoy suka yung couch ko.
Kumuha ako ng towel sa kusina tapos maliit na labador na nilagyan ng tubig para punasan yung mukha niya. "Sana pala palagi na lang tong tulog para tahimik yung bibig." Kala niyo yan sasabihin ko no? Kala ko nga rin eh. Pero hindi, kahit tulog nagsasalita. Tapos ngingiti-ngiti pa. Tapos tulo laway pa. Parang di babae eh.
"Okay Seven, walang masama sa gagawin mo." Self support to. Kaya hinubad ko yung uniform niya ng hindi nakatingin. Huhubarin ko na sana kaya lang
"No! No! Please naman. Wala naman akong ginawa sa inyo ah. Si Claire ba may utos nito? Maawa naman kayo, please." Sabi niya habang hinihila pabalik yung uniform niya tapos humagulgol na siya sa pag iyak.
Di ko alam pero kinomfort ko siya kahit tulog siya
"Hoy, babae. Tahan na. Suntukin ko, ano?"
Baka naalala yung kanina. Pagmumugin ko ng ipin yung mga yun eh.
Pinunasan ko na lang yung mukha niya na pawis na pawis tapos pinahiran yung suka sa uniform niya. Lagot ka sakin L Rodriguez. Pag talaga bumaho yang leather na couch ko. Nako, hahalikan kita.
Potek erase yung last sentence.
L's POV
Ugh di ko na nakayanan kasi ansama na ng pakiramdam ko. Parang umiikot yung tiyan ko kaya sinuka ko na. Sa mukha ni Seven. Oo, sinadya ko yun. As in tinarget ko talaga sa mukha niya. Pinaiyak niya ako eh. Bagay sa kanya yan. Napaka neatfreak pa naman nun. Tas ayun, natumba na ko. Inaantok na ko eh.
Tapos habang natutulog ako, nakaramdam ako ng kamay na nag uunbutton ng uniform ko.
Tapos parang ewan, bumabalik na naman yung memories from my past. Yung galing sa incident before.
Natakot ako. Di ko alam gagawin ko. Pero may humawak sa kamay ko at nagsabi na "Hoy, babae. Tahan na. Suntukin ko, ano?."
After kong marinig yung boses na yun, I felt relieved. I've heard it before eh. Those words. Di ko nga lang alam kung kanino or saan..
Basta yung words na yon, galing sa taong mahal ko..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry sa super late update, guys. Buti na nga lang at sembreak. =)))
BINABASA MO ANG
My One and Only
HumorMortal enemy ko yung kumag na yun. Kung di lang masama pumatay, nakalibing na yung siga na yun. Pasalamat siya crush ko siya. Kung di lang babae yun, sasapakin ko yun eh. Pag ako talaga nainis, ipapalapa ko sa leon yung babaeng yun. Pasalamat siya m...