Chapter 4 - Coming Soon

27 0 0
                                        

L'sPOV

Tahan na. Last na to ha. Ayaw kong iiyak ka ulit. Babantayan kita kaya wag ka ng umiyak. Hoy narinig mo ko? Aalagaan kita, poprotektahan kita. Kaya tahan na."

Sabi niya sakin. Wait.. 

"Seven!" sigaw ko sa kanya

"Ano? Bat ka ba naninigaw? Parang kanina lang andrama mo, ah." Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin 

"Paki ulit nga! Di ma digest ng utak ko" May sapi ata to eh. 

"Hoy ano ba yang utak mo? Stomach?" naiirita na siguro to. Kumukunot na naman yung noo eh.

"Hala, Seven. May sapi ka!" 

"Tange! Bala ka nga diyan." Tumayo siya sa couch tapos lumabas ng apartment

Seven's POV

Lumabas na ko ng apartment. Nakakainis naman kasi eh! Kung kelan seryoso ka na sa pagpapatahan sa kanya, dun naman siya mag jojoke. Bwiset! Sarap banatan. Bibili muna ako ng yosi. Para pampabawas bwiset.

Di naman talaga ako nag yoyosi noon eh. Nag start lang ako nung mawala sakin yung babaeng minahal ko. Di pala minahal. Mahal ko pa siya hanggang ngayon.

Sobrang sakit pa rin kasi nung pagkawala niya eh. Kaya eto, nakahanap ako ng isang way para mapabilis yung buhay ko. Wala na rin naman kasing kwenta eh. 

Bibili na sana ako kaya lang naalala ko, pano na lang kung bumalik siya sa buhay ko? 

Ahp*ta! Bibili na nga lang ako ng tequilla! Atleast di nakakamatay.

Bumili ako ng tequilla. Dapat kasi akong mag celebrate. Ngayong araw din kasi nawala si Ciel sakin. Inagaw siya ng walang hiyang lalaking yun.

Pagbalik ko sa apartment, nakita ko si L na feel na feel ang pagiging at home. Nanunuod ng tv na nakapatong pa yung paa sa upuan tapos nagtatakip ng unan. Nanunuod ata ng horror movie.

"Feel na feel at home, ah." Sabi ko sa kanya habang nilalapag yung tequilla tsaka baso sa center table

"Shhh! Upo ka dito bilis! Nandyan na si Chaba! Halaaaa. Dali taas mo yung paa mo, baka kunin ka niya!" Napaka isip bata. Napangiti na lang ako

"Ano ba kasi yan?" Tanong ko sa kanya. Natatakot kasi siya pero nanunuod parin. Baliw lang

"Coming soon" Di naman nakakatakot eh. Parang nangunguha lang ng mata yung babae, takot na takot na siya

"Ah. Eh bakit nangunguha siya ng mata?" tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng drink sa baso. Siyempre dinalawa ko yung lagay. Para sa kanya yung isa

"Daming tanong! Manuod ka na nga lang! Kung magtatanong ka, yung may sense naman oh. Kagaya ng 'Gutom ka na ba?' Kasi oo, gutom na ko. Kuha mo nga ako ng pagkain" Makapag demand naman to. Sarap upakan tas sigawan na "Wow ha! Hiyang hiya ako kasi bahay mo to tas utusan mo lang ako

Gutom din ako kaya pumunta ako sa ref at kumuha ng malaking Clover na barbecue. 

Pag ako talaga nagalit ihahagis ko to sa kanya eh

Nilapag ko yung Clover sa center table tas kumain siya pero nakafocus pa rin yung mata sa tv.

"Kuha mo kong tubig. Nauuhaw ako" utos niya sakin

"Ipukpok ko kaya sa ulo mo tong bote ng tequilla. Kanina ka pa ah. Ayan oh. Inumin mo!" sabi ko sa kanya sabay turo sa baso na nilagyan ko ng tequilla kanina

"Yoko niyan. Papagalitan ako ni mama at ni daddy eh" sabi niya. Tss. Isip bata talaga. 4th year na pero di pa umiinom

"Sige na. Celebration lang naman eh." Naalala ko na naman siya. Nalasing na siguro ako. Kanina pa ako umiinom eh. Mga pang walong baso ko na ata to. Nyeta ayokong umiyak. Ayoko. Ayoko lalo na sa harap ng babaeng 'to. Pero tangna eh, naiiyak ako. 

"Uy wag ka ng umiyak! Ayan na oh. Ininom ko na. Lagyan ko pa." Nilagyan niya yung baso tsaka ininom. Parang pinakain ng kalamansi yung mukha niya "Tama na iyak. Isa pa?" Nagsalin siya ulit tapos ininom "Ampait na. Ang init sa lalamunan. Di ko na kaya. Tama na kasi iyak. Iiyak din ako para fair tayo." tapos may tumulong luha sa mata niya "Uwaaaaah.. hik.. hik.. Uwaaaah"

"Hoy bakit ka umiiyak? Abnoy ka ba? Napuwing lang ako!" Sa sobrang kaabnuyan niya, naalala ko tuloy sa kanya si Ciel. Baliw din yun eh. Kakaiba ang mga trip. Pero sobrang matapang. Tsaka mabait yun, di tulad neto. Amazona to eh. Parang alien. Si Ciel, tao yun.

"May ano ba ngayon? Bat tayo mag cecelebrate?" Sabi niya ng nakatawa na. Baliw talaga to

"Break-up day namin ng taong pinakamamahal ko. Ay hindi, hindi break-up. Hindi naman naging kami eh." sabi ko tapos napangiti na lang ako. Si Seven Rodriguez. Nagpakatanga. Nagpakagago. Nagpakita ng kahinaan sa isang babaeng amazona na parang di maaasahan.

"Kawawa ka naman. Mabuti pa ako NBSB. No man, no cry!"

"Alam mo, sana yung babaeng mahal ko si Chaba na lang. Para pupuntahan niya rin ako. Coming soon. Kahit saktan pa niya ako. Okay lang. Kahit puro pa sakit yung ibigay niya sakin. Open arms kong tatanggapin. Bumalik lang siya. Papatunayan kong this time, poprotektahan ko na siya.. Papatunayan kong magagawa ko na yun ngayon.. Kahit di ko nagawa noon." kwento ko sa kanya. Nakita kong tumulo yung luha niya. Akalain mong umiiyak din pala ang mga amazona. Sana palagi na lang kaming lasing na dalawa para magkakausap kami ng di nag aaway. 

"Ganun ba? Cheers to that!" Sabi niya tas nilaklak yung bote ng tequilla. As in yung bote talaga. 

"Bat mo inubos?" nagulat kong tanong'

"Ay sorry. Gusto mo pa ba? Kaya lang ubos na eh. Eto na lang oh papatikim ko sayo" 

Ang guess what she did next..

Sinukahan ako ng walang hiyang amazona. Sa mukha.

 Oo. Nyeta. Natikman ko nga yung tequilla.

====================================================================

Tagal kong di nakapag update ah. Namiss niyo ba 'ko? Sobrang busy kasi eh. Sorry. Baka matagalan din yung next update neto. Ang hassle eh. Mag babakasyon kami sa Hawaii next week. De joke lang. May practice kami sa school tapos malapit na yung exam namin. See you sa next chapter guys =))))

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon