Sharlene POV...
Hi! I'm Sharlene San Pedro 14 years old ... Matapang,sporty, masunurin,masipag, matalino, makulit,mabait & boyish,marunong mag taekwondo konti,nasa inyo na yun kung maganda ako ... may isa akong kababata si Jairus Aquino,lagi kaming mag kasama niyan,simula nung 5 years old palang kami...nag kakilala kami dahil magka business partner ang mga magulang namin ... Tignan nyo nalang, mag FLASHBACK tayo!!!Ako: "ma saan po ba tayo pupunta?"
Mama: "anak pupunta lang tayo sa magiging ka business partner ni mama ha..."
Ako: "ahh...bakit po kasama ako?"
Mama: "kasi anak may anak yung ka business partner ko,kaya gusto ko makipag kaibigan ka sa kanya ok?"
Ako: "ahh...ok po!"
Mama: "sakay ka na sa kotse anak at aalis na tayo" (tumango lang ako at sumakay na)
Pag dating namin nakita ko si Jairus nun sa likod ng mama nya,na hihiya ata ... Hihihi
Mama: ah! ... Nice to meet you!
Jmom: nice to meet you too! (napatingin saakin yung mama ni Jairus at ngumiti) she is your daughter?
Mama: ah...yes she is my daughter...anak lika dito pakilala ka! ( lumapit naman ako at nag pakilala)
Ako: hi po! Ako po si Sharlene San Pedro
Jmom: hi din Iha! You so cute and beautiful girl ( napangiti ako sa sinabi nya at napatingin kay Jairus kase napansin ko na tinignan nya ako nung sinabi ng mama nya na cute at beautiful daw ako )
Jmom: ah! And this is my son ... Anak pa kilala ka ...
Jairus: hi po! ... Ako nga po pala si Jairus Aquino ... ( sabi nya habang naka yuko...ang cute ng boses niya noon )
Ako: hi Jairus! ... ( at inabot ko yung kamay ko para makipag shakehands at tinanggap naman nya at ngumiti ako sa kanya ...)
END FLASHBACK...
Kita nyo nuon mahiyain yan masyado di yan na kikipag usap sa iba na di nya pa masyadong kilala pero ngayon kung kanikanino nakikipag usap ... Hahaha)
Mama: anaaakkk!!!
Ako: maaaa!!! Anu po yon!?! ...( badtrip naman si mama ohh... Sige sa susunod ko nalang ikwekwento sa inyo...)
Bumaba na ako at pagbaba ko nakita ko si ate Kath at si ate Julia nag bre-breakfast na sila ...
Kath: oh! Di ka ba mag bre-breakfast?
Julia: oo nga! Halika na dito at sumabay ka na saamin ... ( tumango na lang ako )
Mama: Kath!
Kath: po ma? ( sagot niya bago inumin yung milk niya )
Mama: may gusto ka daw kay Daniel! ( na dura ni ate yung gatas na ininum niya ... kadire!!! ) oh! anak?! ok ka lang ba?! ( tanong ni mama na may pag aalala sa kaniyang mukha )
Kath: a-ahmm...opo ok lang po ako! ( sabi habang pinupunasan yung kaniyang bibig ) ammhh... ma paano nyo po nalaman?
Mama: hay nako! Mga anak ko kayo kaya alam ko lahat sa inyo! ...
Kath: a-ahh...ma alam ko po na ayaw nyo na magka boyf --- ( mukhang nag mamakaawa pero di natuloy yung sinasabi ni ate ...)
Mama: oo na!
Kath: po?
Mama: sabi ko " oo na " pinapayagan na kitang magka boyfriend!
Kath: WAAAHHH!!!! ... Thank you ma!!! Thank you talaga!
Mama: ikaw Julia!?
Julia: po? ( nag aalalang sagot ni ate )
Mama: kaylan mo sasagotin si Enrique?
Julia: po?!!! ... ( kita sa mukha ni ate na nagulat sya kase kami lang naman ang nakaka alam nun ee...)
Mama: di ba nililigawan ka ni Enrique?! ... Di mo pa sinagot?
Julia: ma k-ka ---
Mama: sagutin mo na!! ( kitang nagulat na talaga si ate sa sinabi ni mama at napangiti sya...)
Julia: talaga ma?! Payag kayo na maging kami ni Enrique?!!!
Mama: oo naman! Ang bait bait ng bata na yun! Kaya payag na payang ako!
Julia: AAAAAAHHH!!! ...( sigaw ni ate julia nakakabingi! At ayun yung dalawa nagsisi talun sa tuwa! ... hahaha ... parang mga baliw )
Mama: ikaw Sharlene?!
Ako: a-ako?! ... Wala naman pong naliligaw sa akin!
Mama: hay nako! Alam ko na ang daming nanliligaw sayo pero kahit isa e wala kang sinagot?
Kath: ma! alam mo naman na may pagka boyish yang si Sharlene ( lumingon ako kay ate Kath at tinignan ko sya ng masama at halata sa mukha nya na natatakot sya ... Kasi naman ee...salita ng salita ee... away pa naman ni mama na may pagka boyish kami nila ate ... kaya nainis talaga ako kay ate nung sinabi niya yun ee... kaya tignan mo nga naman napaka daldal kanino nya kaya namana ang kadaldalan nya? )
Julia: ma! Kase gusto ni Sharlene unahin muna ang pag aaral bago mag boyfriend,tignan nyo naman oh ... Napaka talino sa school niyan! ( napa ngiti naman ako sa sinabi ni ate Julia buti pa sya ang bait saakin ito namang isa parang gusto pa ako ipahamak ee ... Kaya sa kanilang dalawa ang pinaka gusto kong ate ay si ate Julia,pero wag kayo ha! love ko pa din silang dalawa...)
Mama: ahh...ganun ba, e di wala kang balak mag boyfriend?
Ako: a-ah ... o-opo ... Tama! ( sabay nag smile ako kay mama )
Kath: ma! ... Shopping tayong apat! ( langya ka ate alam mo naman na wala akong gusto sa pag sho-shopping ee...)
Mama: tama! Sige boto ako jan! ( di ko alam kung saan nila na kukuha ang kasayahang mag shopping! )
Pumunta na kami sa taas para mag bihis ...
Ako: ATE!!! ( sigaw ko )
Kath&Julia : oh!/ano?
Ako: hindi si ate Kath!
Julia: ahh...
Kath: anu yun?!
Ako: bakit ka nag saggest na mag shopping?!!! At sinama mo pa ako!
Kath: eto naman! Galit agad!??? Nag saggest ako kase ang tagal mo nang hindi na kakapag shopping kasama kame o kaya mga kaibigan mong BABAE!!! ( diniinan pa talaga yung "babae" 😐 ) nung nasa Europe pa kami ni Julia sabi ni momy nag sho-shopping daw kayo madalas pero nung 10 years old ka na daw nag simula ka na daw gumala kasama ang mga kabarkada ni Jairus yung lima na cute and handsome na mga lalaki ... May nagka gusto ba sayo kahit isa man lang sa kanila? Mukhang hinde ee...! Alam mo mas maganda ka kapag pang babae ang suot mo! Anung edad mo non nag simula kang mag suot ng pang lalaking damit? ( tanong nya saakin sumagot naman ako )
Ako: nung ... Nung 8 years old pa ata ako nun
Kath: ibig sabihin nyan nung pina kilala ka nya sa mga barkada nya e lalaki na yung kilos at suoot mo?!! ( di na ako nag salita ) alam mo ipapadama namin ulit sayo kung ano talaga ang feeling pag nag sho-shopping ... Alam mo masaya kaya subukan mo!
Ako: O-okay!