CT 2 ...

473 10 0
                                    

Jairus POV ...

Hay nako! Sila Nash talaga ohh...! Kainis talaga yung apat na yun buti pa tong si Grae matino kahit pa minsan minsan lang! ... Mhhh ... Ah! Hi nga pala! Ako nga pala si Jairus Aquino 14 years old ... Masipag, mabait, makulit,masayahin,matalino din at isa sa mg heartthrob sa school namin! Crush ko noon si Shar pero ngayon hindi na kase binasted niya ako nung bata pa kami ee... Sabi niya ang bata pa daw namin para magka gf at bf at kung gusto ko daw mag hintay daw ako hanggan sa magka 16 years old na siya pero ang tagal pa kase kaya hindi nalang,tapos itong lima na toh halata naman na may gusto sila kay Sharlene di pa nila aminin mga loko loko! ... Andito kami ni Grae sa condo nag lilinis,kasi yung apat pagkatapos nilang kumain at mag kalat umalis na at iniwan kami dito ni Grae sa kalat na ginawa din nila!

Grae: Jai?!

Ako: oh...anu yun?

Grae: san ba pupunta yung apat na yun? ( sabi nya habang dinadampot ang mga chichiriyang naka kalat )

Ako: aba malay ko! Kasama ko ba sila ngayon?

Grae: na kakainis naman ohh...! Di naman ako nag kalat naka upo na ngalang ako habang nag f-fb sa phone ko tapos ngayon nag lilinis na ako ng kalat nila! ... Ano ako maid dito?

Ako: mhh... pwede! ... ( sabay tumingin sya sa akin ng masamang tingin ) ... De joke lang!

Grae: AISH!!! .. Lagot talaga yung apat na yun saakin mamaya! ( sabi nya hapang pulot ng pulot ng mga pinaglagyan ng mga candy )

Ako: haha...sige push mo yang galit mo!

Grae: Jai!?

Ako: hhmmm?

Grae: pwede mo bang sabihin sa akin kung meron o sino yung crush o gusto mo?

Ako: ha?! Bakit mo naman natanong yan?

Grae: wala lang! Gusto ko lang malaman ang lovelife mo lahat naman ata tayo may lovelife di ba!? At para din matanggal ang inis ko para dun sa apat na yun!

Ako: ahh...oo meron akong gustong babae na alam ko naman na hinding hindi nya ako ma gugustohan pero ok lang yun kase kahit kaibigan lang ang turing nya saakin ay ayos na basta kasama ko sya masaya na ako! ( nakita kong napa ngiti si Grae nun ) ikaw naman mag kwento meron ka rin bang gusto o crush man lang?

Grae: ah! Oo naman! Gusto ko sya kasi mabait,matapang,matalino,simple,maganda hindi sya maarte at pa minsan minsan ay astig din ang dating di nga lang masyadong kita!

Ako: ahh...tinutukoy mo si pinsan noh?!

Grae: si Melody? ... Hindi noh! Ang arte arte kaya nun tapos matalino ba yun?! matapang ba sya?o kaya astig ang dating?

Ako: oo nga noh ... hindi dapat yun yung sinabi ko ... Teka si Jessica ba yan?

Grae: sino naman si Jessica?!!! Di ko naman kilala yun ee...!

Ako: ay oo nga pala! Sa ibang klase nga pala sya! ... E si Tony? Mabait,matalino,mayabang

Grae: wala naman akong sinabing mayabang sya ha!? Sabi ko matapang at astig ang dating! Atsaka ang arte arte kaya ni Tony!

Ako: hay nako! ... Ang hirap naman niyan! Sino ba sya ha!!!?

Grae: Anu ba yan!!! Ang simple simple na ngalang di mo pa masagot sagot!!!

Ako: eh! Ang hirap kaya!

Grae: Che!!! Manahimik ka na ngalang diyan at baka sayo ko pa ibuhos yung galit ko sa apat na yun!

Ako: Wow! ... meron ka ngayon?

Grae: ano ko?! ... Babae?!!

Ako: e kanina ang bait bait mo ngayon sobra ka pa magalit sa buntis na nag lilihi!

Paano nga ba? ... ( Sharlene & Gimme5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon