Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. My head still hurts pero pinilit ko paring tumayo.Medyo blurry ang paningin ko pero I can sense that I am in a white room.
Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. I noticed that I'm wearing a white hospital dress.
Wait.. what happened? Am I in the other world again?
Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng katok mula sa pinto.
“David?” - I mumbled. Lalapit na sana ako sa pinto para salubungin ang kumakatok ng biglang may pumasok na dalawang pamilyar na tao.
“Cassie, you're awake!” - bungad sa akin ni Mama at papa na halatang gulat na gulat.
Niyakap ko sila ng mahigpit dahil sa pagka-miss ko sa kanila.
“Ma, what happened? Why am I here?” - tanong ko.
“You've been unconscious for the past 6 hours, kaya dinala ka namin dito.” - Paliwanag ni papa.
6 hours? Pano nangyari yun, eh nasa year 3000 ako 6 hours ago.
“Asan ho ba ako? Bat nasa ospital ako?” - tanong ko saka sumilip sa labas ng aking pinto.
As I open the door, I heard noises of shoutings from a girl na may naka-pulupot na white bandage around her body, habang may dalawang taong nag pipigil sa kanya. Awhile later, may tinurok sa kanya yung nurse at naka-tulog siya bigla.
“Wait, what hospital is this?” - I asked them.
Nakita ko ang pag yuko nila mama at papa.
“Ma, anong hospital to?” - kunot noo kong tanong. “Is this a mental hospital?” - I added.
“Yes anak, kasi--”
Hindi natapos ang sasabihin ni mama dahil agad na akong nag salita.
“Oh my God, why did you sent me here? Do you think I'm crazy??” - I shouted.
What on earth are they thinking?
“Pa, ilabas niyo ako dito. Hindi ako baliw!” - sigaw at pagmamakaawa ko kay papa.
“But Cassie, you need this. Hindi kapa naman icoconfine dito eh, you're just here for some examinations.” - paliwanag ni papa.
What examinations are they talking about? What made them think that I'm going crazy?
“Pa, I'm perfectly healthy, I don't need this tests, so i-discharge nyo na ako dito.” - I stated positively.
“No, we need to wait for the results.” - pamputol ni mama na nakapagpa-laho ng ngiti ko.
“Seriously ma? What made you think na baliw ako?!” - gigil kong tanong.
“Wala ka talagang maalala?” - tanong ni mama na halatang disappointed ang mukha.
Umupo ako sa kama ng kwarto kung nasaan ako, showing them that I am willing to listen to their explanations.
“This past few days, parang wala ka kasi sa katinuan eh.” - pambungad ni mama sabay upo sa couch. “You keep calling me universe, and your papa as David.” - she continued. Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko.
“Because they are true! I got teleported to year 3000 mama, believe me! I've seen the future!” - pagpapaliwanag ko na nakapag-pailing naman kay papa.
So hindi sila naniniwala?
“Minsan magugulat nalang kami na tumatakbo kana as if someone's chasing you. Minsan bigla-bigla ka nalang sumisigaw at nag sasalita kahit wala ka namang kausap. Minsan bumubulong-bulong ka habang tinatawag ang universe. I don't want to jump into conclusion pero..” - mahabang explanation ni papa na halata namang pilit na kumakapa ng tamang salita.
BINABASA MO ANG
Year 3000 | ✓
General FictionLife of Modernity... is this what I really wanted to live? © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved