Prologue

61 1 0
                                    

Prologue

"Did he kiss you or not?" galit niyang tanong saken

Hindi ako umimik at tahimik na umakyat sa rooftop. Alam kong sumusunod din siya saken. Naplano ko na to kaya alam kong matatapos to sa paraang gusto ko.

"What? Im asking you. Did he kiss you or not?" ulit niyang tanong saken

Huminga ako ng malalim "He didn't" walang gana kong sagot "I did" dagdag ko

"FUCK!" malutong niyang mura

Sa sobrang galit niya, isinandal niya ako sa pader.

"Im Sorry" yun lang nasabi ko

Nakatingin lang siya ng seryoso sa mga mata ko. "Do you like him?"

Tama na Enzo. Itigil mo na to.

"I love him" sagot ko sa kanya

"DOUBLE FUCK" sigaw niya habang nagpakawala ng isang malakas na suntok sa pader "Is it worthit?" tanong niya ulit habang nakatingin parin saken "Seeing me hurting for that guy."

Napayuko ako dahil sa tanong niya. Worthit nga ba George? Kung ito lang ang paraan para hindi ka lalong mawala saken "Im Sorry"

"All this time, it's only him diba?"

Please tama na Enzo. Tumigil ka na. Lalo ka lang masasaktan.

"Please tumigil ka na. Nasasaktan na ako."

"Putangina. Ikaw pa ngayon ang nasasaktan? Sa ginawa mo saken. Sa mga sinabi mo, hindi ba ako dapat ang nasasaktan?"

"Ano ha? Tama ako diba? Nuong una palang, siya na talaga diba?"

"PUTANGINA! SUMAGOT KA!" sigaw niya saken habang mahigpit niyang hinahawakan ang braso ko.

Kumawala ako sa hawak niya "Oo. Una pa lang siya na ang gusto ko. Oo, ginamit lang kita para mapalapit sakanya. Ano masaya ka na?" sagot ko sakanya.

Umiiyak na siya. Im sorry Enzo. Im Sorry.

Napaupo siya sa sahig habang umiiyak"I did all para maipaglaban ka sa mga magulang ko. I did all para paniwalain ang sarili ko na soulmate tayo, na tayo ang para sa isa't isa. I did all para mahalin mo ako higit pa sa pagmamahal ko sayo. Ginawa na nga kitang mundo ko e. Pero lahat ng yun isang malaking KATANGAHAN."

Tumayo siya at humarap saken. "Thankyou. Thankyou for breaking my heart Bigtime. Sana maging masaya ka."

Ayokong magpakita ng kahit konting awa, or sakit sa harapan mo dahil baka mas lalo lang akong mahirapang bitawan ka. Im Sorry Enzo.

"Don't worry, i'll make it more easier for the both of you. You will never see me again. Not until im done loving you this much."

"I love you" Sabi niya at sa huling pagkakataon hinalikan niya ako sa labi.

Pagka-alis niya, nagsimula na ring tumulo yung kanina ko pa pinipigilang mga luha.

"Im Sorry Enzo. I love you too." sabi ko sa kawalan habang umiiyak

***

NO PART OF THIS MAY REPRODUCED OR TRANSMITTED.

NO COMPILATION

NO SOFT COPY

NO PLUGGINGS

He's the one that got away

ⓒ 9/3/2014

forgotten_lady

ALL RIGHT RESERVED

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-++-+-+-+-

Vote/Comment/Follow

PLEASE READ......

Just give a try.....

Hugs and Kisses :-*

THANKYOU!!!!

PS: Please bear with my wrong grammar and typos

He's the one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon