Ang nakalipas natin

15 0 0
                                    

"Kabobohan mo ang sisira sa atin!" asik ni Maria.
Siya si Juan isang mangingibig ni Maria, mag-iisang taon na sila ngunit wala paring nagbabago, kamangmangan ang namayani kay Juan at ganid kay Maria. Nagsimula sa tipikal na istorya ng pag-ibig magkakilala mula bata hanggang lumaki't nagkaibigan, tila mga asukal sa tamis ng pagsasama at isang puno ang nagsilbing saksi at bangtayog ng kanilang pagmamahalan. Mga matang nilang nag niningningan sa tuwing nagkakasalubongan ng tingin, mga ngiting nakalaan lamang para sa isa't-isa. Kay tamis ng kanilang pagsasama na pati ang mga matatanda at mga taong kapwa nag-iibigan ay naiinggit sa kanila, at sa tipikal rin na istorya ay nagsawa din sila, nag-iba ang ihip ng hangin at kalupitan ang napalit sa kanilang dalawa. Bawat salitang lumalabas sa bibig nila ay tila mga balaraw na itinitira sa isa't-isa. Isang dagok ng kapalaran ang nangyari, unti-unting kinamumuhian ang minsan naging bantayog ng kanilang nadarama. Ang pag-ibig nilang akala'y walang hangganan ay nagkaroon ng katapusan. Isang bitag na kusa nilang tinanggap at sila'y nahulog, nadaig sila sa sakit ng pag-ibig. Sila'y nagapos at hindi na makahinga. Tunay nga, isang bitag ang pag-ibig. 
"Ayoko na" wika ni Maria. Ang ekspresyon ni Juan ay tila nanlupaypay at wala ng nagawa dahil nilakdawan na siya ni Maria. Isang relasyon na dahil sa pagsasawa ay nagkaroon ng hantungan at naiwan ang isa na duguan ar durog ang puso't isipan. Lumipas ang mga araw at inuusig si Juan ng mga alaala nila ni Maria at nakita na nga ang bulto niya sa ikaapat na palapag ng isang gusali naglalakad patungo sa dulo nito, nag-iisa't handa ng mahulog, ito na ang hudyat.

My poetic collectionWhere stories live. Discover now