MTPHR
Ikaw, ikaw na aking ilaw
ikaw na aking ilaw na nasilayan paggising sa umaga na sa ganda ay nakakasilaw,
ikaw na aking bato
aking bato na matibay di mo matibag-tibag sa lakas mo.
ikaw rin na aking kama,
aking kama na nagbibigay sakin ng ginhawa sa panahong ako'y pagod na.
Aking kanta,
ang maganda kong kanta na sa akin ay naghaharana sa panahong ako'y nawawalan ng pag-asa,
Ikaw ang aking mahal na may maskara,
ang taong nakaharap ng may ngiti saakin
sa maskara ay may tinatago pala sa ilalim.
At ikaw na aking bulaklak,
Aking bulaklak na kay ganda,sariwa at totoo,
Bakit bigla nalang namaluktot,nalagas at natuyo.