Huminga ka,
dahil kailangan pa,
Hayaan mo lang ang luha
at mawawala rin yan bigla.
Umiiyak, umiiyak pero walang dahilan,
ano ba talaga ang dahilan,
bakit hindi ko maintindihan?
Kritisismo, panghuhusga at ibang nakakasakit sa damdamin,
naging madalas na.
Ang dating saya ay nawala na,
ang ngiting laging pinapakita ay tinatago na,
at
ang salitang karaniwang binibigkas ay kinikimkim na.
Ito'y mga dahilan,
pero di pa rin masabi ang talagang dahilan ng pagluha na tila parang walang katapusan.