Nakikita mo ba

19 0 0
                                    

Naranasan nyo narin ba?
Yung wala kang ginawa,
Pero pinagmumukha kang masama?
Yung kahit anong gawin mo,
Di parin sapat para sa kanila?
Yung mas kita nila ang pagkakamali mo,
Kaysa tamang nagawa mo?
Yung kahit konting pagtatago,
Bawal sayo?
Yung alam mong totoo sinabi mo,
Pero kasinungalingan para sa kanila?
Yung imbis na iencourage ka,
Dinidiscourage ka?
Kasi kung oo,
Alam nyo kung gaano kasakit to.
Kasi ako alam ko,
Alam kong ako may pagkakamali,
Pero dahil don ako'y pwedeng maliitin?
Alam ko nagsasakripisyo kayo,
Pero diba nagsasakripisyo din naman ako?
Oo,aaminin ko tamad ako,
Pero ni minsan ba napahiya ko kayo?
Aaminin ko rin,ako ay di perpekto,
Ngunit bakit ang taas ng inyong ekspektasyon,
Na pakiramdam ko kayo'y di nakokontento sa nagawa ko?
Na halos kailangan lagpasan ko ang perpekto.
Aaminin ko rin,tama naman kayo na ako'y mangarap ng mataas,
Pero bakit ang tingin nyo sakin ay masyadong mababa?
Pinaparamdam nyo na kahit anong pagsipag ko,ay di pa rin sapat.
Yung sinasabi ko na 'sapat na ako',
Pero konting mali ko lang babalik uli ako sa taong 'kulang talaga ako'.
Yung naiiyak ako,
sa tuwing sinasabi nyo na mas masahol ako sa taong sinadyang lumayas at tumigil sa pag-aaral nito.
At bigla-bigla mapapasabi ako 'Bakit ganun?Di ko naman ginawa yun.Ano ba nagawa ko?'.
Masyado naba talaga akong mababa?May nagawa ba akong mali?
Hanggang ngayon yung sagot sa tanong di ko parin alam.
Asang-asa ako na ipagmamalaki nila ako sa kahit konti kong nakamit,
Di naman ako nagkamali,
Pinagmalaki nila ako,ngunit pansamantala lang pala yun at balik ulit sa 'Kulang pa iyang sinasabi mong nakamit'.
Masakit,
Kasi alam ko nagagawa ko naman yung kailangan gawin ko,
Pero kahit ganun kulang parin ito.
Naiingit ako,
Sa tuwing kinokompara nyo ako sa taong hindi ako.
Yung nararamdaman kona,
Mas proud pa kayo sa kanya na di kaano-ano,
Kaysa akin na anak nyo.
Oo tama naman kayo na dapat tularan ko ang katulad nya,
Graduate na cumlaude pa.
Pero bakit kailangan nyo pa akong ikompara?
Pinapamukha nyo kung gano ako kababa?
Oo teknolohiya ay ginagamit ko,
Yun ang dahilan kung bakit sa akin ang baba ng tingin nyo .
Sinasabi nyo ring sinungaling ako,
Kahit nagsasabi ako ng totoo.
Nagcecellphone ako,dahil iyon ang takas ko sa realidad na masakit ang katotohanan.
Katotohanang,di parin ako sapat sainyo.
Katotohanang mas proud kayo sa ibang tao,kaysa anak nyo.
Alam ko namang wala akong laban,sino ba naman ako?
Isang hamak na mababang estudyante lang.
Isang hamak na mababang tao lang.
Minsan iniisip ko,siguro yun yung way ng pang-iencouragenyo,
Pero di ko mahanap sa sarili ko,
Yung encourage na sinasabi ko.
Kasi kung encourage yun,bakit?
'Sya focus sa pag-aaral,kaya cumlaude.Ikaw? Ewan ko,puro ka cellphone'.
Oo cellphone ako ng cellphone,pero honor naman ako diba?
Yun lang pinanghahawakan ko,dahil alam kong wala ng iba bukod dun,
Sasabihin nyo oa ako,
Siguro nga, pero yun ang nararamdaman ko.
Tao lang ako at hindi perpekto.
Sana matanggap nyo ito.

My poetic collectionWhere stories live. Discover now