E.H.I.A. The Lost Heiress-6

43 5 0
                                    

Official Cover Book ng EHIA The Lost Heiress made by @CrescentPiper . Thanks a lot po! I love it! Sana kayo po ulit ang gumawa ng mga upcoming books ko! Thank u thank u po! Love you! Muaah! 😙 This is for you po!

POV OF LENDRA

Papalapit pa lang ako sa Gangster Arena ay naririnig ko na ang mga hiyawan at sigawan ng mga gangster sa loob. Mabuti nalang at nasa isang liblib na lugar ang kinalalagyan ng Arena. Ngayon na lang ulit ako nakabalik ng Gangster World. Naging busy ako sa modeling career ko at sa school. Kahit nasa first semester palang kami ay walang habas na magpa activity ang mga prof sa EHIA. Di man lang iconsider na nag aadjust palang kami sa pasukan.

Okay. So kaya nandito ako sa G.W. dahil tinawagan ako ni Junevic o mas kilala bilang Hawk Eye. Siya ang kanang kamay ko sa pagpapatakbo ng G.W. Kilala ko siya sa totoo niyang pagkatao pero ni minsan hindi niya ako napilit na magpakilala sa kanya. I never wanted anyone knows my secret. Its just mine only. Mine and only my secret.

Papasok na ako ng big door ng tumunog ang hudyat na ako ay nasa lugar na iyon kaya lahat ay nakatingin sa akin nang papasok na ako. As usual, I am wearing my signature style together with my mask on. Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila. Bawat gangster na nadadaanan ko ay nagbabow sa akin. Tuloy tuloy ako sa Control Room at nakita ko nga si Hawk na nandoon at pinapanood ang mga naglalaban mula sa CCTV.

"Speak." I am using my cold tone again.

"Hooo! Ang lamig naman dito. Napalakas yata ang airconditioner!" At aba batuka kita jan eh.

"Just tell me the news." Mas pinacold ko pa ang pagkakasabi ko at sumeryoso na siya.

"Okay. Same Phantom as usual. The Bangtan Gang and some gangs are making their first move. They are recruting lower gangs to join their secret group against us. Kung masasabi pang secret yun. Ang dali lang mahack ng kanilang system. I'm sure Jin made it. Wala talagang binatbat yon." Pagmamalaki nito. Naku! Napakahangin nito. Porke't matalino.

"Mahangin." Sagot ko sa kanya habang nag iisip ng pwedeng gawin sa Bangatan.

"Makapagsalita to. Walang utang-na-loob." Bulong pa nito na halos rinig na rinig ko naman.

Umupo na lang ako sa nagsisilbi kong opisina dito. Nag-iisip at nagpaplano.

"We need to plan to stop them. Sinu-sino na ba ang narecrute nila?" Tanong ko ulit. At mabilis naman siyang nagtipa sa keyboard at nagpakita sa harap ko ang nga listahan ng mga gang na kasanib na nila.

"That assh*ole. Ganyan na karami ang narecrute nila? I wonder kung kelan sila nagsimula." Habang binabasa ang mga grupo.

"Nagsimula lang sila few weeks ago. Di ko alam ganito karami ang ayaw sa pamamalakad mo." Napatingin ako dahil sa sinabi niya.

"They have nothing to do with it. After that fight, tell everyone not to leave. Bangtans are not here but I am sure this news will be deliveres to them." Pagkasabi dun ay agad naman napipindot siya sa harap ng monitor at sinabing tapos na.

"Na message ko na lahat. You have 10 mins to wait."

"Okay." At naglakad na ako palabas.

--

POV OF  JUNEVIC(HAWK EYE)

Why she's so cold? Lagi ko siyang kinakausap para mas makilala pa siya but she always wore that cold, maldita and badgirl looks which I didn't expect that it'll suit her.

Kahit kilala siya bilang si Queen Phantom, hindi ako natakot at nagdalawang isip na subukang maging secretary niya. Yes, secretary. Tama kayo ng basa. Iba kasi yung feeling ko sa kanya. Para bang kilala ko na siya ng pagkatagal tagal na. Pero baka feeling ko lang yun. Haaaay! Punta na nga lang ako sa Fighting area ng arena. Mukhang may aannounce siya.

Exo High International Academy: The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon