Pics of OT12 on the media. Sensya na yan lang meron akong pic nila na 12. ^^
Labing-dalawang nag gwagwapuhang lalaki ang lumabas sa isang black na Van. Ito naman ang cue ng mga estudyanteng babae para lumapit at pumalibot sa 12 na lalaki at tumili na halos magilitan na ang leeg sa lakas.
Lahat ng mga babae ay kanya-kanyang pwesto. May mga nasa harap na halos magtulakan para lang makapunta doon.
May mga babaeng may bitbit na mga paper bags na naglalaman ng mga nagmamahalan at sikat na mga gamit.
May mga babaeng nakahawak ng gadgets at kinukuhanan ng mga litrato ang 12 na lalaki.
At ang iba, walang pake. Tuloy lang ang lakad at hindi pinapansin ang mga schoolmates nila na tumitili sa mga heartthrobs ng campus. Sila ang mga nakahawak ng mga libro palagi at mga laman ng library. Nerds.
Sa isang sulok naman ng campus may mga nagkukumpulang mga kalalakihan na naiinggit sa kasikatan ng mga kararating lang.
At sa gilid ng school, may isang babae na umaakyat sa puno papasok sa loob ng campus. Doon siya laging dumadaan dahil sa ayaw niyang may makapansin sa kanya. Ayaw niya sa lahat ay ang napupukol sa kanya ang atensyon.
Siya si Lendra Delavin. Isang model sa umaga at gangster minsan pag gabi. Hindi siya basta bastang gangster dahil siya ang nangunguna sa lahat ng mga gang.
Tinatago niya ang identity niya pag nasa Gangster World siya.Tinagurian siyang Queen Phantom. She used to use a matte mask with a color of black and blood red. Paghindi mo pa talaga nakikita ang mask niya, mapagkakamalan mong parang totoo na dugo ang nasa maskara niya.
Gumagamit din siya ng kanyang Q.P.(Queen Phantom) signature style which is siya ang nagpauso. Dahil ngayon, may kanya-kanya ng mga signature style ang bawat gang. Mapababae man o lalaki.
She wears this all black sexy style. Black croptop tube with her black leather jacket, black fitted leather pants and a 5 inched heel boots with a pure gold lining on it. Her hair has this colors of black and blonde in half including her brows. Blonde on the left part and black at the other side.
Pero kapag nasa labas siya, simple lang ayos niya. Hindi mo siya mapagkakamalang gangster which is very good for her.
Hindi siya galing sa mayamang pamilya. Ulila na siya at wala ng masasandalan. Well, meron pa naman. Ang Uncle niya at ang anak nito. Patay na ang asawa ng Uncle niya kaya sila sila narin ng kanyang anak.
Wala silang alam sa pagiging gangster ni Lendra dahil nakabukod ito sa isang condo malapit sa school nila. Pinagdesisyon siya ng Uncle niya at ito na mismo ang nag asikaso. Buti nalang at mayaman sila.
Kapalit naman ng lahat ng yun ay sinusuklian niya ito sa pamamagitan ng pamamahala ng isa nitong resort sa Ilocos Norte. Malayo kaya minsanan lang siya bumisita doon pero maayos naman lahat.
Nakapasok na siya sa loob ng Campus. Sikat din naman siya sa school nila dahil model nga siya diba? At hindi lang sa school nila kundi buong Pilipinas. Ayaw naman niyang makilala siya pero no choice siya dahil kailangan niya ng trabaho. Ayaw niya din umasa sa Uncle niya.
Naglalakad siya sa hallway ng school papunta ng cafe. Nakasuot siya ng cap to hide her face. Naka pantalon lang siya at white v-neck shirt.
Agad siyang umorder para maabutan pa niya ang unang klase niya. Nag hanap siya ng mauupuan kung saan walang masyadong makakapansin kaya pumwesto siya sa may pinaka dulong table.
Habang kumakain si Lendra ay nakarinig ito ng ingay. No. Mas tamang sabihin na tili ng mga babae.
Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niyang puno na ang Cafe. 2 minutes palang siyang nakakaupo don at walang katao tao kanina. Napairap nalang ito sa kawalan dahil sa pinaghalong ingay at inis sa mga balow na mga babae.

BINABASA MO ANG
Exo High International Academy: The Lost Heiress
AzioneSHE'S THE LEGENDARY QUEEN PHANTHOM. -COLD -QUIET -DISTANT -STRONG -NO MERCY BUT COVERED WITH ALL THOSE QUALITIES, THERE HIDES A SOFT, LOVABLE, BUBBLY AND INDEPENDENT WOMAN WHOM YOU'LL NEVER EXPECT THAT SHE'S THE TOP GANGSTER. SHE MET EXO GANG AND TH...