chapter3: Childhood Memories

97 1 0
                                    

Hazel's POV

Sobrang natutuwa ako dahil nagustuhan ni Kristel ang niluto kong adobo. At ang mas lalo kong kinatutuwa ay nung sinabi niya yung pangalan ko at na-MISS niya daw ako!! waaah!

Akala ko nakalimutan na niya ko. Limang taon na nung huli kaming nagkita, ang drama pa nga ng paghihiwalay namin noon eh. Talagang siya ang nagiisang best friend ko. ^___^

Muntik ko nang makalimutan, ako nga pala si Hazel Daze Sadiasa. Dito na ako lumaki sa probinsya na piangmamayari ng Gonzales. Super loyal kasi ang Lola Natty ko sa mga Gonzales. At syempre pati ako loyal noh!

Magkasing edad lang kami ni Kristel pero parang ang hirap na ng sitwasyon niya dahil inaasahan na siya agad ng magulang niya sa bussiness nila. Pero masaya pa rin talaga ako kasi nandito na ulit ang best friend ko.

"HOY! tulala ka nanaman diyan. Itulak kita dyan eh. Pangiti-ngiti pa.. tss!!" loko, yung kakambal ko yun si Shaquel.

Oo, tama nadinig niyo KAKAMBAL nga! Preo PRAMIS di kami magkamukha. Wala kaming pinagkapareho.

"Sus! inggit ka lang kasi ako nakausap na ni Kristel at pinuri pa niya luto ko. BLEH!" >b< ayaw pa kasi umamin niyan, bata pa lang kami ramdam ko na may gusto siya sa best friend ko.

"Magtigil ka! Bakit naman ako maiinggit. Nakita mo ba itsura mo kanina? Hahaha! Para kang ewan, nakayuko ka lang eh kinakausap ka niya. At yung adobo, TAYO po! UULITIN KO TAYO PO ANG NAGLUTO NUN!!TAYO!!" sige na nga kami na nagluto. itong lalakeng ito sarap hampasin eh. Nang aasar pa. >......<

"Mga apo tumigil na kayo sa pagbubulyawan niyo at baka marinig kayo ni Miss Kristel. Oo nga pala, Hazel puntahan mo daw si Miss Kristel may sasabihin daw siya sayo." sabi ni Lola. Hahahaha!!

Mainggit ka aking kambal. Mukang di ka na naaalala ni Kristel. Bago ako umalis sa kusina ay binelatan ko si Qeul. BLEH >b<!!!!!!!!!!!!!MAmatay ka sa inggit.

Hahaha!! Sabay takbo, mukang napikon na eh. Hahahaha!

Asan kaya si Kristel? Ahh ayun kausap ni tita. Anu ba yan para naman akong chismosa nito. Dinig na dinig ko ang pinaguusapan nila.

"Please Nanny!! Mamamasyal lang naman ako eh."-Kristel

"Hindi, bawal! yan ang bilin ng magulang mo."-si tita

"Ow pretty please Nanny! Ganito na nga tayo sa States, hanggang dito ba naman sa Philippines bawal pa din."-pagmamakaawa ni Kristel. Tingin ko mamaya ko na siya pupuntahan. -_-

"Hey! Hazel come here! BILIS!!!" huli na, nakita na niya ko.

"Ahm, bakit niyo po ako pinatawag Miss?" syempre may galang pa rin dapat. Amo ko pa rin ito ano.

"Waah!! anong MISS? and why are saying PO to me? same age lang naman tayo and besides Best Friend kita." pagkontra ni Kristel sa mga sinabi ko. Pero di ko maintindihan kung naiinis ba siya sa lagay na yun o ano kasi kahit sinabi niya yun ganito pa din muka niya oh ^_^ .. Hahaha!!

"Well Nanny, see I am with my best friend kaya safe ako. At dyan dyan lang naman kami oh. We're not going somewhere na di mo alam. So please Nanny! Pumayag ka na!" Hahahah! ang kulit parin talaga ni Kristel, pero napakahinhin niya magsalita.

Kahit kung kumilos ang hinhin. Hala, diba sa ibang bansa nagiging wild ang mga kabataan, buti hindi na adapt ni Kristel yun. Nakaktuwa talaga ang best friend ko! ^__^

"Tita sige na po pumayag na kayo! Sa may palaruan lang kami. Hindi po kami lalayo. Ako pong bahala sa kanya. Bago mag-5:30 andito na po kami." sabi ko kay tita para pumayag na.

"O sige na! mag-a-alas-2 na at babalik kayo dito bago magalas-5. Magiingat kayo ha! Kristel dala mo yung phone mo, tumawag ka kung may kailangan ka. Kahit hindi emergency. Basta magtext ka o kaya tumawag."mahabang pagpapaalala ni tita.

a bestfriend or not???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon