Pao’s POV
tama ba yung rinig ko? kung saan daw ako mananahimik? Wth.
"just kidding" mukha bang nakakatawa yung sinabi niya?
hinampas ko siya. Kainis kinabahan ako dun.
"saan nga tayo pupunta?" tanong ko ulit
"may interview tayo ngayon"
"ha?! bakit?"
"are you nuts? malamang hot issue tayo ngayon. Kaya dapat lagi kang mag aagree sa mga sasabihin ko sa press."
kahit labag sa loob ko kailangan ko pading sundin. Ugh! bat ba kasi ako nalagay sa sitwasyon na to. nakakainis lang.
"okay"
A few hours later nakarating na din kami ang dami nang naka abang na reporters naririnig ko ng madami silang tinatanong kaso direderetso lang kami ni Mick. Bastos talaga tong lalaking to.
Then finally nakaupo na din ako kaso kinakabahan ako. Pano kung maiba yung sagot ko sa mga ineexpect ni mick? Kainis talaga yung lalaking yun. Di man lang ako binigyan ng clue o kaya mga simple details tungkol sa kanya.
Naririnig ko na yung mga tao.
"we’re going live on 5, 4, 3, 2, 1,"
"Good evening kachickas! Nandito po tayo ngayon sa Chicka minute at ang guess natin ngayon ay sina Michael Martin at Jeanne Lee"
"Good evening everyone." sabi ni Mick habang kumakaway. Tsk! ang plastic talaga ng lalaking to.
"flowers for you baby" sabay inabot sakin ni Mick yung flowers. Tama ba yung rinig ko? Baby daw? yuck!
"thank you" sabi ko with my fakest smile.
"So? totoo bang matagal mo nang nililigawan tong si Jeanne, Mick?"
"Actually yes. One year ko na siyang niligawan"
"oww how sweet."
wala na kong ibang ginawa kundi ang ngumiti ng plastic dito mukha akong tanga.
"Miss Jeanne, paano ka ba niligawan ni Mick?" tumingin ako ng pang asar kay Mick
Nagtitigan kami yung mga mata namin parang nag uusap.
ako: sabihin ko kaya yung totoo?
siya: subukan mo lang.
Natatawa ako para kaming baliw. Akala ng mga tao sweet yung titigan namin pero yung totoo nagpapatayan na kami.
"ops tama na lambingan, so paano nga ba manligaw ang isang Michael Martin"
"actually po ang sweet niya po talaga" sagot ko
"in what way?" kilig na kilig na tanong nung host
"basta po, lagi niya akong binibigyan ng gifts pag nagkikita kami. Tapos po kahit kami na ngayon nililigawan niya padin ako. Ang sweet niya po talaga" omgg ngayon ko lang narealize ang hirap pala talagang umarte. Sht. Hahaha.
"ang sweet naman pala ni Michael sa girlfriend niya, so Jeanne ano bang masasabi mo dun sa mga fans ni Michael na hindi agree sa relationship niyo?"
"actually po kapag tungkol sa love ang pag uusapan para sakin hindi po kailangan ng approval ng iba para makasama mo yung taong mahal mo, wala po akong pakealam kung hindi nila ako tanggap para kay Mick basta para sa akin sapat ng mahal ako ni Mick" yuck? san ko nakukuha tong lahat ng sinasabi ko ngayon? For sure dadami yung bashers ko neto.
"That’s my girl, so for the girls out there na nagbabalak na ibash tong baby ko. Please? just be happy for the both of us." psh! ang yabang talaga
ngumiti na lang ako. Pero kanina ko pa talaga gustong paduguin tong ilong ng lalaking to e.
"ang sweet nila omg pero Jeanne what about the video?" naiinis na ako dito sa host na to.
"ah yun po ba? Kasi po nag away kami dahil sa Bear" puro non sense na lang sinasabi ko.
"hahaha you’re a funny girl, so what’s with the bear?"
"lagi niya po kasi akong dinadalhan ng bear. Napupuno na po yung kwarto ko" Sorry lord nagsinungaling ako.
"i cant believe na yun yung pinag awayan niyo. Ang cute ng couple na to." natutuwang sabi niya.
"she’s so childish. But that’s the thing i like about her." Ang plastic talaga ng lalaking to
"How sweet."
tapos nakita kong may sinasabi yung isang camera man tapos tinuturo yung relo niya.
"I guess the time is up, Thank for coming here Mr. Michael and Ms. Jeanne" nakangiting sabi niya
niyakap ako nung host. Feeling ko ang plastic plastic ko. Hahahaha pero nabawasan na yung kaba ko kasi finally natapos na din.
pagtapos ng yakapan namin at beso beso. hinwakan ni Mick yung bewang ko at inalalayan ako sa pag lalakad. pag dating namin sa backstage ang daming kumukuha ng picture namin.
Hanggang nakarating kami sa parking lot nakahawak padin si Mick sa bewang ko. Aba namumuro na tong lalaking to ah? Inalalayan niya din ako sa pagsakay sa van.
"magaling ka naman palang umarte e" pang asar ni Mick
"sa tingin mo ba kukunin ako ni Manager kung di ko kayang umarte. Mas magaling pa yata ako sayo no?" pagmamayabang ko
nag smirk lang siya. Hayys I cant believe this guy.
Hinatid niya na ako sa condo. Gulat na gulat nga si Bes e. Umalis na din yung sasakyan ni Mick.
Hayys. another big day tomorrow.
BINABASA MO ANG
Underneath The Total Opposite (ON HOLD)
Teen FictionSi Pao ay isang modelo na bibigyan ng pagkakataon na maging artista. Doon niya makikila si Mick ang kanyang TOTAL OPPOSITE. Sa pag pasok ng pagibig sa buhay nila? Makakaya kaya nilang ipaglaban ito? Kung may isang tao sa nakaraan ni Pao na magbabali...