Chapter 10: The Start

23 2 0
                                    

Pao’s POV

since iniwan na ako ni manager. Magshoshopping na muna ako. Sayang sana pala sinama ko na din si Bes. Pero okay lang date ko na lang muna ang sarili ko ngayon. Hihi

Nasa mall na ko. Kumikinang yung mata ko ang dami kasing bagong damit. Parang kahapon lang ako nagpunta ng mall ah. Ang bilis naman nila maglabas ng bagong damit.

Naglalakad ako ng biglang may flash ng camera. Wtf? ang daming reporters? anong meron? May patay ba sa likod ko? tumingin ako sa likod. Pero may familiar na mukha akong nakita si Pia yung showbiz reporter. Wtf? Anong kaguluhan to? tatakbo na sana ako kaso napapalibutan na nila ko.

"miss jeanne, kamusta naman po ang relasyon niyo ni Michael?"--

"kelan po ba naging kayo?"-

"nakakaproud po ba na dahil sa iyo ay nagbago na siya?"--

sunod sunod yung tanong nila hindi ko alam kung ano yung una kong sasagutin. At saka pano naman nila naisip na karelasyon ko si Michael? wtf. di kaya?

"miss jeanne, paano po kayo nagkakilala?"--

"saan po kayo nagkakilala?"--

"bakit po kayo nag away kagabi?"--

sasagot na sana ako kaso may biglang humawak sa bewang ko at nilapit ako sa kanya.

"Excuse me, pwede bang pabayaan niyo muna tong girlfriend ko? alam kong hot issue kami ngayon. Pero diba parang ang bastos niyo naman para guluhin kami habang namamasyal?"--

tapos hinila niya yung kamay ko palayo sa mga reporter. Pero yung mga reporter sunod padin ng sunod samin. Tumingin ako sa lalaking may hawak ng puso--- este kamay ko. Seryoso siya. Di ko mabasa yung ekspresyon ng mukha niya.

"Next time na lalabas ka. Itext moko. hindi ka na ordinaryong tao ngayon."

teka nga, pinapagalitan ba ko neto?

hinila ko yung kamay ko , kaya napatigil siya.

"now what?" tanong niya

"bat mo ba ko hinihila. Pwede namang maglakad ng maayos. At saka bakit ka ba nandito? iniistalk mo ba ako?"

"pffffffft--- ikaw iistalk ko? Asa!"

"e ano pala?"

di na siya nagsalita. Hinila niya ulit ako kaya hinatak ko ulit pabalik yung kamay ko. Naghilahan kami.

"ano ba?!" galit na sabi ko.

"napaka ingay mo naman! malapit na sila dito sa pwesto natin. Hayys!" naiirita nadin siya .

"pwede ba? tigil tigilan mo na nga paghatak sakin. Hindi ako baboy!"

di na siya nagsalita. Bigla nya kong binuhat na parang sako.

"ano ba mick! ibaba mo nga ako! Nakakahiya!"

"pag hindi ka pa tumigil hahalikan kita!"

as if naman halikan talaga ako neto. E magkaaway nga kami. Di talaga gumagamit ng utak to.

"hoy! kapag hindi mo pa ako binaba mag pafile ako ng kaso laban sayo!"

bigla niya kong binaba. You wont believe what happened next ----hinalikan niya ako? O to the M to the G! omgg! sinandal niya ko sa kotse tapos binuksan yung pinto at sinakay ako. Gulat na gulat padin ako. Nakatulala lang ako

Hindi ako makapaniwala na gagawin niya talaga yun. KUMULO YUNG DUGO KO! pagkapasok niya sa kotse sinalubong ka kaagad siya ng suntok sa mukha. Medyo masakit din yun kasi naramdaman din ng kamao ko.

gagantihan niya din dapat ako, kaya pumikit ako. hinihintay ko na lang yung kamao niya na lumanding sa mukha ko.

bogshhh! (A/N sound effect to kunwari)

narinig ko yung paghampas niya sa manubela. Kaya dinilat ko yung mata ko. Actually kinabahan ako. Pero bagay lang sa kanya masuntok! hinalikan niya ko. Ayoko ng may humahalik sakin!!

"FUCK! whats wrong with you?"  hawak niya yung ilong niya at obviously galit na galit siya

di nako umimik. Tapos nakita kong dumudugo yung ilong niya kaya nagpanic ako.

"Omg! sorry may first aid kit ka ba dito?"

di siya nagsalita kaya kinuha ko na lang yung panyo ko. tapos pinunas ko sa dumudugo niyang ilong. Im so dead.

tapos inistart niya na yung engine. Tapos nag drive ng matulin. Feeling ko hinahatak yung kaluluwa ko. Balak ba kong patayin ng lalaking to?

"hoy! san mo ba ko dadalhin?"

nag smirk lang siya. Aba! langya nagdugo na nga yung ilong kanina nakuha pang mag smirk? paduguin ko kaya ulit tong ilong ng lalaking to?

 

sa sobrang tagal ng biyahe nakatulog ako. Nagising na lang ako ng naramdaman kong may mahinang sumasampal sakin.

"wake up now!"

aba? lakas maka utos neto ha? lumabas na lang ako at napansin kong medyo madilim na. At saka parang nasa tapat kami ng isang mansyon. Ang ganda. Feel na feel kong isa akong prinsesa. Hihihi. at may kasama akong halimaw -___-

"ano? nganganga ka na lang ba jan?"

"sir? ano po maipaglilingkod ko?" sa tingin ko yaya nila to.

"pakidala yan sa kwarto ni ate tapos paki bihisan nadin siya, may lakad kami."

"e kayo po sir?"

"aakyat muna ko tatawagin ko na lang kayo mamaya."

ang ganda talaga dito. Di ko mapigilang mamangha ang yaman pala talaga ng lalaking to.

"maam tara na po sa loob ng kwarto ni maam elise"

sumunod na lang ako. Pero mas lalo akong namangha sa kwarto ng ate ni mick.

Mick’s POV

shit! ang sakit padin ng ilong ko. Nakakainis talaga yung babaeng yun! hayys! babae ba talaga yun?

teka may tumatawag.

"hello?"

"nasan ka ba?"

"saglit lang manager ha? di ka ba makapag hintay. nandito din si Pao sa bahay nagbibihis na siya ipapagamit ko muna sa kanya yung mga koleksyon mo"

"michael! bwisit ka talaga!"

"relax" pinidot ko na yung end call si Andrew Elise talaga. Kahit kelan ang sarap niya talagang bwisitin.

magbibihis na muna ko.

Pagbaba ko ng hagdan nakita ko kaagad si Paolinne. Naka dress na siya. Good.

"Ya pakitawag yung driver magpapahatid kami." utos ko kay yaya darla.

"sige po sir"

"hoy ikaw!? san ba tayo pupunta?"napaka skandalosa talaga ng babaeng to parang nakalunok ng microphone.

"basta sumunod ka na lang" utos ko sa kanya.

Lumabas na ko ng bahay. Nakita ko namang nakasunod siya sakin  buti naman di matigas ang ulo niya ngayon.

Nakita ko na yung sasayan. Kaya hinawakan ko na yung kamay ni Pao.

"sakay"

sumunod naman siya.

"hoy mick nakakahalata na ko ha? chansing ka! kanina mo hinahawakan yung kamay ko."

"dont assume Pao"

"ewan ko sayo! san mo ba kasi ako dadalhin?" tanong niya.

"kung san mananahimik ka na"

Underneath The Total Opposite (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon