CK's POV
Andito ako ngayon sa burol ni JD. Naiyak pa rin. Napakalaki ng naging parte niya sa buhay ko. Maraming salamat kay LORD kasi kahit sa maikling panahon ay nakilala at nakasama ko siya.
" CK, nahuli na iyong pumatay kay JD. " EJ
" Sino daw ? ''
" Si Enrique." Bumuhos na naman ang luha ko. Hindi ko inakala na kaya niya iyong gawin.
" Bakit niya daw nagawa iyon ?"
" Ang sabi, dahil daw sa pagpapatigil mo sa kanya sa panliligaw. "
" Ang babaw niya. Kahit patayin niya pa ako, hinding - hindi niya masisira ang relasyon namin ni JD. "
Tumayo si EJ at lumapit sa kabaong ni JD. " Ang suwerte mo JD. "
Tapos tumingin sa akin at ngumiti. Pinilit kong ngumiti kahit na may mga luha pa rin na patuloy na bumabagsak sa aking mga mata. Para kay JD, sa pamilya ko at kay LORD, tatagan ko ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Last Breath * KathNiel *
FanfictionPaano kung iniwan ka na ng mahal mo ? Patuloy ka pa rin bang aasa hanggang sa huli mong hininga ? May mga istorya na masaya ang katapusan at meron din namang malungkot sa huli. Ano kaya ang mangyayri ?