The beginning
Shan's PoV
"Shan.." Tawag saakin ni Kailem. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak-hawak ng mahigpit ang dalawang kamay ko.
Tae. Lunok ako ng lunok ng laway ko kanina pa dahil hindi ako mapakali. I'm nervous too. Ito na ba? Ito na ba ang oras na magtatanong siya kung pwede bang maging kami? Kung may pag-asa ba siya sa akin? Sasagot ba ako ng oo kung yun talaga ang itatanong niya o magpapaligaw muna? Syete di ko alam kong ano ang erereact ko dahil ang nasa harapan ko lang naman ay ang ultimate crush ko. ULTIMATE CRUSH to the highest power? May ganon ba? Ah. I don't care.
"H-ha?" Aish. My god, did I just stammered?
Bumuntong hininga siya saka tumingin ulit sa mga mata ko. Deretso.
Ayan na.
Ayan na. Ask me Kailem. Ask me if I'm willing to be your girlfriend or wife for the rest of your life cause right now. Right now I want to choose my first option. I want to choose my first.
"I-blagggggggg*
" ARAYYY KO POOO!!!" I shouted in pain.
May narinig akong mahinang hagikhik na nanggagaling lang dito sa loob ng kuwarto ko. Mwesit, panaginip lang pala ang lahat? Akala ko totoo na. At ang malala pa ay may taong humatak ng kumot ko dahilan para malaglag ako sa kama ko. Nakapulupot ba naman sa katawan ko eh tingnan lang natin kung di ako mapapasama.
"KUYAAAAAA!! Wahhhh isusumbong kita kay mommy. Paano mo nagawa saakin ito? How could you?" I act as if I was about to cry. Hindi naman sa childish ako pero gusto kong makaganti man lang sa kuya ko sa pantitrip niya sa akin ngayon.
Ke aga-aga gaganituhin niya lang ang magandang bunso nila? Bakit ba nandito tong Kuya kong 'to dito eh alas syete pa lang naman? Sa pagkakatanda ko summer ngayon at walang pasok. At isa pa.. Aishhh kahit panaginip lang yun, naiinis parin ako dahil di natuloy ang sasabihin sana sa akin ni Kailem me lebs. Panaginip na nga lang, pinagdamot pa saakin? How unfair.
Ngunit napanganga ako ng hindi tumalab sa kaniya ang acting skill ko, ni hindi man lang niya ako tinulungan sa pagtayo bagkus lumakas pa ang tawa niya na ultimo nakahawak na siya sa tyan niya at ang mas nakapaglaglag ng panga ko ay ang sinabi niya.
"Pftt. Kailem~ Kailem, ask me.." Tunog boses babae pa at may arte niyang sabi. "Wengya babe. Hahaha, crush mo pala si Kailem huh? Paano mo siya nakilala? At teka..pftt..menomolestya mo na ba sa panaginip mo si Kailem? Ang laswa babe." And he continue laughing.
Pakshet, nasabi ko ba yun habang tulog? Sleep taking?
"G-grabe ka kuya. Anong mole-molestya ang sinasabi mo dyan? Di ko nga yan alam eh. Tss. Saka s-sinong Kai-kailem ang pinagsasasabi mo? I don't even know that man you're taking about. And for your information.. its not my hobby to talk while sleeping." Palusot ko. Sinulyapan ko pa muna ng tingin ang aircon na may kunot noo. Nakafull naman ito pero bakit pakiramdam ko nasa hot seat ako? Syete, namamawis na ang noo ko.
"Sus. Napaghandaan ko na ang palusot mong 'yan babe." Ngisi-ngising saad niya saka may kinuha siya sa bulsa ng shorts niya at nakalimutan kong siya pala si Kuya Amiel na laging handa.
Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway. Ni hindi ko na napansing nasa sahig parin ako dahil sa hawak niya ako nakatutok.
Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya pagkatapos ay may pinindot siya doon.
Syete!!!
There, I heard my own voice clearly saying 'Kailem~ Kailem ask me.'
Nakangangang napatingin ako sa malainosenteng mukha kuno ng aking kapatid at gusto ko na lang sana na mawala na lang ako sa harapan niya na parang bula upang matakpan ang kahihiyan. I can't believe I really said those words, hindi nakadilat huh? Kundi nakapikit pa.
Wala na! Wala ka na talagang takas Shan! Nakakahiya ka!
"Ughhh!!! Kuya Amiel delete that..ahh." I frustratedly said. Wala na. Finish na. Dead end na kumbaga.
"No. I won't babe. Don't you think this is a good thing against you. Hmm..blackmail?" Nakangisi parin siya bago ibalik ang cellphone niya sa bulsa niya. Syete. Bat ba ako Lord nagkaroon ng abnormal na mga kuya? Partida, isa pa lang yan. May dalawa pa at ayoko munang makita ang dalawa pa at baka masapok ko lang silang triplets na puro abnormal.
Ipinakita ko sa kaniya ang yamot na yamot, inis na inis kong itsura kunwari. Malay. Baka madaan sa second attempt acting ko. Sisigawan ko na sana siya kaya lang ay hindi natuloy dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Uhh.. Kakain na?" Dumungaw ang ulo ng panibagong tao bago pumasok ng tukuluyan at pabalik-balik kaming tiningnan ni Kuya Amiel bago pumirmi sa akin ang paningin niya. "Anyare sayo baby?" Nagtataka ang kaniyang reaksiyo ngunit alam ko na ang kasunod niyan ay tawa. Tsk. Mga abnormal talaga.
Sinabi ko bang ayaw ko munang makita ang isa pa sa kanila? Sinabi ko ba? Syete. Kakasabi ko lang eh. Nararamdaman ko na yong kamay ko na gustong manapok pero bumuntong hininga na lamang ako kesa mag-aksaya ng lakas sa mga abno kong kuya.
Good morning Shan. Grabe, ang ganda naman ng umaga mo ah? Tinalbugan ng mga kuya mo ang grand entrance ng isang kilalang kontrabida sa pelikulang napanood mo.
"Pftt. Nothing Dale. Nalaglag lang yan sa sobrang pananaginip. Let's go first. 'Yaan na muna natin siyang umalis ng panis na laway niya." Kuya Amiel smirk at me before turning his gaze to Kuya Dale.
Kinapa ko naman ang gilid ng baba ko kung may laway ngang talaga pero wala naman. Sinamaan ko siya ng tingin. "Yahhh!"
"Tsk. Pinagtripan mo na naman si baby ko, Amiel?" Nagunot ang noo ni Kuya Dale habang nakatingin kay Kuya Amiel. Umaliwalas naman ang mukha ko at nagbabakasali na ipagtatanggol niya ako sa oras na ito—
"...sana sinama mo man lang kami ni Armor." Dagdag pa ni Kuya Dale at humagalpak sila sa tawang dalawa.
"Grrr... Bwesit! Alis! Labas! Layas!.. Grabe kayo sakin. May pa-endermeant-endermeant pa kayong nalalaman...pagtitripan niyo lang pala ako!" Sinikap kong tumayo para lang hagisan sila ng mga unan. Tatawa-tawa parin sila bago lumabas.
Inalis ko ng mabilis ang kumot na nakapulupot sa akin saka napaupo sa kama habang iiling-iling.
Ewan ko ba don sa kanilang dalawa kung bakit babe at baby ang tawag nila sakin. Yung isa pa nga beb pa ang tawag. Lumalabas na girlfriend nila ako kung ituring diyan sa pinagsasasabi nila kesa sa kapatid eh. Kapatid po nila ako hindi GIRLFRIEND. Kaya lang wala na akong magawa sa isang yan kasi eversince ganyan na ang tawag nila sakin kahit noong mga bata pa lamang kami. Ang masasabi ko lang sa kanila...abnormal silang tatlo. Si Kuya Amiel ang naunang ipinanganak, sunod si Kuya Dale at ang huli ay si Kuya Armor. Hindi nga lang sila nagtatawagan ng kuya kasi sabi nila 'Minutes lang naman ang tanda namin sa isa't-isa' tyaka nagmumukha daw na matanda si Kuya Amiel dahil siya ang panganay.
Psh. Mga pauso ng tatlong 'yon. Pasalamat sila dahil fraternal triplets sila, kung nagkataong hindi, ang inis ko sa isa, inis din ng lahat.
Napatingin ako sa pinto na bumukas muli ito ng kaunti at may sumilip na isang ulo. "We love you by. Baba kana, huwag kang magsuicide dyan." Pang-aasar na paalala ni Kuya Dale sabay sara niya ng pinto. Alam niya kasing hahagisan ko siya ng kahit na anong bagay na madampot ko mula dito sa kwarto ko.
"ABNORMAL!" I shouted before entering the bathroom. Bugnot na bugnot ang mukha ko at salubong talaga ang mga kilay na tumingin ako sa salamin bago dumiretso sa shower at naligo.
YOU ARE READING
I Belong To You
RandomENGLISH/TAGALOG STORY Choose... One word, six letters. Its only a word-only six letters but why is it so hard to deal with? Choosing is the best thing to compare with complication especially when you choose to be hurt, to be in pain rather than to b...