•CHAPTER II•

20 1 0
                                    

Chapter 2

The next day, tinanghali na ako ng gising. Alas dos narin kasi ako natulog dahil tinapos ko pang basahin ang binabasa kong libro na tungkol sa mga vampires. Hilig ko talagang pumasok sa mundo ng mga vampires pati narin gangsters and mafia, binabasa ko rin. Wala, addict sa libro eh.

Naligo na ako then nagbihis. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko, tinungo ko na ang dining area. Sina mommy at daddy lang ang naroong kumakain.

Nasaan yung tatlo? Umalis ba sila ng di ko alam? S

Saglit akong napatingin sa wallclock na nakasabit sa bukana ng dining area. 11:26 A.M na.

"'Morning mom. 'Morning dad." Ginawaran ko sila ng halik bago umupo. Brunch ko na pala to.

"Good morning Princess." Sabay nilang bati sa 'kin kaya napangiti ako.

Kahit super busy ng mga magulang namin, hindi parin sila nawawalan ng oras sa aming mga anak nila. Yan ang isa sa gusto ko kina mommy at daddy. Kung meron man silang business trip or out of town at alam nilang mawawala sila ng ilang araw o di kaya minsan umaabot sa buwan ay bumabawi naman sila pagkatapos. Nandiyan yung lalabas kaming buong pamilya para kumain sa labas. Kaya kahit na ganon, hindi ko kayang magtampo sa kanila.

Umupo na ako at pinagsilbihan naman ako ni Manang matapos ko siyang batiin.

"Nauna ka pa sa mga kuya mong gumising."

Naangat ko ang paningin ko sa daddy ko. "Tulog pa sila dad? Bakit tinanghali din sila? Akala ko pa naman umalis sila?" Tanong ko

"Gumimik. Birthday kasi ni Martin, yung classmate at barkada narin nila ngayon na pumunta rito noong January. D'you remember him princess?" Tumango ako kay mommy bilang sagot. "Midnight na nakauwi ang mga yun kaya knockout, napadami siguro ang inom ng mga boys. Hihihihi." Makapagsalita si mommy parang ok lang sa kaniya eh.

"Grabe, ang doga. Di man lang ako sinama?" I whispered.

"Kasi po, 17 ka pa lang po. Ayoko munang pumasok-pasok ka sa mga bar. Alam mo yan. At kahit na isama ka pa ng mga kuya mo, I won't still give my permission as your father." Ginulo ni dad ang buhok ko kaya napasimangot ako. Tumawa lang siya, pati si mommy nakitawa na rin.

"Bati na kayo ng mga kuya mo sweety?" Nag-aalalang tanong ni daddy.

"Yep." Napangisi ako ng wala sa oras. Syete, di ko makakalimutan ang nangyari kahapon. Kahit halos bad vibes ang buong araw ko, ang pagkuha parin ng mga pictures na nakadress ang mga kuya ko ang pinakamagandang nangyari kahapon. Epic.


"That is good news. Ang mga kuya mo talaga. Anyway, why my baby is so happy huh? Tell to mommy. Yieee." Pinagsalikop ni mommy ang kamay niya at nagbeautiful eyes sa akin. Tiningnan ko naman ang reaksiyon ni daddy at hindi nga ako nagkamali. Hangang-hanga pa rin siya sa tuwing ginagawa iyon ng asawa niya.

Iiling-iling ako bago yumuko sa plato ko. "Nothing mom." Ngumiti ako sa nakasimangot niya nang mukha. "Oh, aalis nga pala ako. Tania called me yesterday. Gagala daw kami kasama ang kambal niya. Can I mom, dad?"

"Of course hija. Basta dalhin mo si Mang Jaime para may driver kayo." Biglang pagsang-ayon ni daddy na nasa mommy ko pa rin ang paningin. Parang nakikita ko na ang unti-unting paghuhugis puso ng mga mata ni daddy sa paraan ng magkakatitig niya kay mommy.

Napatalon ako bago mahigpit na yumakap kay dad sa sobrang kasiyahan. Akala ko nga di niya ako papayagan eh. "Talaga dad? Wahhhhh tenkyu, tenkyu talaga dad. I love you~" pinaulanan ko pa siya sa cheeks ng halik. Tumawa lang sila.

I Belong To You Where stories live. Discover now