•CHAPTER I•

22 4 0
                                    

Chapter 1

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, bumaba na ako sa hagdanan at tinungo ang dining area. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang malakas na tawanan ng mga taong naroon at nangunguna ang tawa ng tatlo kong mga kuya. Nagpapalakasan lang sila ng sigaw.

"Good morning Princess." bati saakin ng mga maid na madadaanan ko.

"Hehe. Morning." binigyan ko sila ng killer smile ko kaya napapangiti din sila. Sanay na sila saakin niyan.

"Morning mom." I kissed on my beautiful mother's both cheeks. Ang ganda-ganda ng mommy ko. Baby face eh.

"Oh.. Good morning to our Princess." Mom giggled after greeted me.

"'Morning dad." Lumapit ako kay dad na nasa kabisera naman sabay halik sa cheeks niya. Ganon din si daddy ang gwapo-gwapo.

"Good morning Princess. Upo na." Inalok ako ni daddy'ng umupo, sumunod naman ako. Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumahimik ang mesa na parang bang isa akong striktong guro at ayaw nilang mapang-abutan ko sila.

Batid kong nakatingin ng palihim sa akin ang mga kapatid ko at dahil ang dalawa sa kanila ay pinagtripan na naman ako kanina ay hindi ko sila babatiin o tiningnan man lang. Damay-damay na! Kasalanan ng isa, kasalanan ng tatlo! Hindi ko makakalimutan kong paanong sinira ni kuya Amiel ang magandang pangarap ko na sa panaginip ko na nga lang makakamtan. Gusto ko tuloy sumimangot kaya lang, baka makita pa nina mommy't daddy.

Tiningnan ko na lang isa-isa ang mga pagkain na nakalatag sa mesa bago tumingin sa mga magulang ko. Nangunot bigla ang noo ko ng mapansing napakatamis ng ngiti nila habang nakatingin sa akin ngunit ipinagkibit-balikan ko na lang iyon.

Mukhang may nangyaring maganda sa kanila ah? Maybe sa business world?

Nakangiti akong kumuha ng pancake at binuhusan iyong ng syrup sa ibabaw. I also put egg, hotdogs and bacons on my plate then started to eat.

Susubo na sana ako ngunit natigil lang ng mapansin ko ang pasimpleng pagbigay ni Kuya Armor ng cellphone ni Kuya Amiel sa kaniya.

Syete. Pinagdiskitahan na siguro nina kuya ang recorded voice ko at dito pa talaga sa hapagkainan ha?

"Yahh!! mom, dad sina Kuya pinagtitripan ako." I pouted while pointing my index finger to kuya Armor. Siguro naman hindi nila pinagkalat ang tungkol sa recorded voice ko kina mommy. Subukan lang nila, baka gamitan ko na naman sila ng alas ng isang bunso. Tumawa silang lahat.

Pinandilatan ko si kuya Amiel ng mata na parang bang sinasabi kong isang maling galas lang at may mangyayari sa kaniyang hindi maganda. Ginantihan niya lang ako ng nakakalokong ngisi at ipinagpatuloy niya na ang pag-aagahan.

"Yieee! Nagkakacrush na ang princess namin." Gulat akong napatingin sa tumatawang ina ko or should I say kinikiliti?. Anong crush-crush? Anong pinagsasasabi niya?

"W-woah! Anong crush Mom?" I asked even if I can't fully digest to words I've heard.

"Hahaha.. Ano nga ulit ang pangalan non hon? Caleb?" Pati ba naman ikaw dad?

"Its Kailem hon." Pagtatama pa ni daddy matapos akong sulyapan ng mabilis.

Paano niya nalaman? Paano nila nalaman? Walang makakaalam kung walang nagsabi sa kanila at parang nahuhulaan ko na kung sino.

Bigla akong napatingin sa inosente kunong kumakain na si kuya Amiel. I found the culprit

"Waaaahhhh... Kuya Amiel?" Mamasa-masa na ang beautiful eyes ko. Ramdam ko rin na namumula na ang mukha ko sa hiya. Hindi naman na ako bata para mag-inarte na parang unang crush ko ito pero ito ang unang beses na nalaman ng mga magulang ko na may crush ako. Nakakahiya. Noon kasing elementary at highschool ako hindi makalapit ang mga boys saakin dahil nandyan ang mga kuya ko kaya hanggang panaginip, daydreaming at tingin lang ako sa mga crush ko. Ngunit noong naging Senior highschool na ako hindi na nila ako nabantayan sa school na pinapasukan ko dahil nagcollege na sila non. Syete, NBSB parin.

I Belong To You Where stories live. Discover now