Chapter 4
Umuwi ako na may ngiti sa labi. Sino ba namang hindi? Mabuti na lang at kahit papano, marunong akong magtago ng kahit konting emosyon ko, kung hindi baka sinabihan na ako ni manong Jaime na nababaliw na ako dito sa loob ng kotse.
Si Kailem kasi eh. Tsk. Simula ngayon gagawa na talaga ako ng diary at ang unang-una kong ilalagay ay yung nangyari ngayong araw sa akin. I'm so excited.
"Princess. Kanina ka pa diyan nguso ng nguso ah. May sugat ba yang bibig mo?"
Bigla akong napatigil sa ginagawa ko. Tumigin ako sa rearview mirror kung saan sumusulyap-sulyap sa akin si manong Jaime habang nagmamaneho.
I awkwardly laugh as if nothing happened then put down the mirror on my side. Kahiya. Kanina? So it means kanina pa ako nagpapout sa salamin?
Tinitingnan ko lang naman kung nasasagwaan si Kailem sa pagpout ko kanina o gusto niya lang makahalik. Di ko naman kasi intensyon na magpout ng literal, nginuso ko lang naman ang mantya sa damit niya. Ewan ko ba kung bakit hindi nagfunction ng mga oras na yon ang mga kamay ko para gawing panturo. Maybe because of his presence. Also I can't look straight into his eyes even in few seconds because everytime I do it, I feel like his eyes can hypnotize me.
"Wala naman manong."I said then I awkwardly laugh again. Napatango na lang siya.
Nang makarating na kami sa bahay ay lumabas agad ako sa kotse ng may ngiti sa labi. Hindi ko na hinantay si manong Jaime para pagbuksan ako.
"Good evening princess." Bumati saakin ang maid na lumapit sa kinaroroonan ko saka binaling amg atensiyon kay manong sabay bigay ng mga paperbags dito. Alam ko ang pangalan nito eh, nakalimutan ko lang.
"Good evening." Masiglang bati ko. "Nandito na ba sina Daddy?"
"Wala pa princess. Bukas pa daw sila makakauwi eh."
Sumabay na ako sa paglalakad niya patungo sa loob.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ang alam ko pumunta sila don sa bagong location ng tinatayong business niyo. "
"Ahh."
Pagpasok ko pa lang sa main door, narinig ko na ang ingay na nanggagaling sa sala. Nakita kong nagkakatuwaan at naglalaro ng Xbox nag mga kuya ko at...at kasama si Red the playboy. Wala parin siyang pinagbago. Kung ang itsura niya noon ay playboy, ganon parin ngayon. Siya talaga ang pinakaperpektong depinisyon ng playboy. Matangos ang ilong, mapang-akit na mga mata, may hugis at malagong kilay na nababagay talaga sa kaniya na kung tiningnan mo ay parang hinugisan, kurba ng kaniyang jawline at higit sa lahat ay yung mapaglarong ngiti niya pati ang mga binibitawan niyang salita para makuha niya ang puso mo. Kung may nagbago man ay may napuna akong kaunting pulang kulay sa buhok niya. Red talaga huh? Lantaran.
Wait, why I am praising that playboy whom I hate?
But I should not mind him right now. I'm happy cause finally, I talked to Kailem and I even have the chance to be with him for a short time, at least. It wasn't worthless at all. Thanks to my ice cream.
"Hello people." I take their attention then smiled.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa single na sofa. Hindi ko tinapunan ng tingin si Red na alam kong napatigil sa pagpipindot ng joystick niya bago tumingin sa akin. Kina kuya lang ako nakangiting tumingin. Nagtaka naman kami ng dali-daling tumakbo si kuya Amiel palabas ng bahay.
Saan siya pupunta? Gabi na ah? I shrugged my shoulders as well as my brothers too.
"Hay sa wakas. Nandito ka na rin. Kanina pa may kumukulit dito kung anong oras ka raw ba uuwi." Tumayo si Kuya Dale sa likod ko saka pinisil-pisil pa ang balikat ko. Nangunot ang noo ko at nagtatanong na tumingin sa kaniya.
YOU ARE READING
I Belong To You
RandomENGLISH/TAGALOG STORY Choose... One word, six letters. Its only a word-only six letters but why is it so hard to deal with? Choosing is the best thing to compare with complication especially when you choose to be hurt, to be in pain rather than to b...