Candy's Shop - Tamarind 6

71 6 0
                                    

Para kay Judy Ann Neri na gustong mag pa-hug kay Manager Halls.

-

Tamarind Six

Ang cute niya!

Natotomboy na ata ako?, Hindi maaari Tamara magagalit si Manager ko!

"Excuse me, I look for job. Do you know one?"

Huh?

Tama ba ako ng rinig? I look for job? wrong grammar siya?

"Hello? I look for job..."

Baka naman pangalan si Job ngayon hinahanap niya siya.

Ahh

"Pasensya na kasi hindi ko kilala yung sinasabi mong Job"

"You get me?, I said Where find job not job"

Huh? nagkakaintindihan ba kami?

"I'm sorry but I don't know who Job is.."

Ngumiti lang ito tsaka ako tinapik sa balikat "I said naghahanap ako ng job because I need money for my financial problem"

Adik ata 'tong cute na girl na 'to. Kung makapag-ingles kasi akala mo naman kung sino.

"Ahh" Nagtaas ako ng kilay "Siguro pwede kitang tulungan"

Bigla naman niya kong hinawakan sa magkabilang kamay.

"Really!?, is that so? why not now. I can start na!" ngiti-ngiti siya "I'm Chandra Joey Dizon by the way" nakipag shake hands lang siya sakin ng paulit-ulit kaya binawi ko na agad ang kamay ko.

Nagtaas ako ng kanang kilay "Kung ganuon hindi pa 'yon sure kaya wag kang magpakasaya"

Kinuha niya ulit ang kamay ko "That's okay to me as long as there is a chance to have money"

Ano ba 'to loka o lokaloka?. Nakakainis na ang ingles niya ah.

Binawi ko ulit ang kamay ko sa kanya at sinabing samahan niya ako dahil ipagtatanong ko kung may vacant pa sa pinagtatrabahuhan ko.

Umupo muna kami sa bench at nag kwentuhan kahit na siya lang ang nagsasalita.

Nagkwento siya tungkol sa buhay niya kahit di ko naman tinatanong at pagkatapos ay nagkwento tungkol sa hobbies niya kahit hindi ko na ulit naman tinanong.

Tapos puro pa siya tawa dahil sa kinukwento niya. Ako naman nakikingiti na lang.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung tutulungan ko siya. Mukha kasing may sayad siya eh. Kaso nga lang sayang ang pagkakyut niya kung hindi magagamit kaya why not try.

"You listen to me?" tanong ni Cj(Chandra Joey)

"Oo sige..." kahit hindi.

"Ang taray mo nuh?"

"Hindi nuh!" nagtaas tuloy ang isa kung kilay.

"Haha..you deny but your eyebrow up! ahaha." sabay turo nito sa mukha ko.

"Hmmp!"

"Anyways" pagiiba niya "What's your name?"

"Tamara"

"Yun lang you don't have surname?"

"Ang tanong mo kasi name lang kaya sinagot lang kita base sa tanong mo"

"Ah. Okay what"s your name and surname?"

Sus, pwede namang full name na lang ang gamitin niyang word eh.

Candy's ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon