Candy's Shop - Tamarind 5

40 5 0
                                    

Mr.Halls greets everyone with a sweet smile "Welcome :)"

-

Tamarind Five

It's raining roses!

"Anong nangyayari?"tanong ko sa sarili.

Wahh! I'm confuse and shock at the same time. Kaya para mabawasan ang problema ko ay iwas-lakad akong pumasok ng Shop.

(A/n: raining roses meaning napakaraming rosas sa Shop hindi siya literal na umuulan ng rosas :) )

Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Saktong pagpasok ko ay tumambad sakin ang lalakeng gusto kong iwasan buong buhay ko!

"Can you please call her?, I'm badly missing her~ TAMARA?!"

Napahinto na lang siya sa sinasabi niya ng makita akong nakatayo sa pintuan ng Shop.

Iniwanan niya agad ang kausap niya, which is Cream O , at lumapit agad sa akin.

*Sparkle* *Sparkle*

Ugh! I really hate this guy and he's sparkling attire.

Matapang ka Tamara.. Matapang..

Pinagtaasan ko ito ng isang kilay.

Siya naman tinitigan lang ako.

Wag kang bababa kilay.

Lumipas ang isang minuto at sumuko rin ang kilay ko.

Itinaas ko na ang kaliwa kong kilay at ipinagpahinga ang kanan.

Hindi ako susuko nuh!

Siya naman nakatitig pa rin.

Taas lang kilay.

Magsasalita na sana ako ng unahan niya ko.

"Hanga talaga ako sa pagtaas mo ng kilay. Salit-salit pa!. Ahaha!. Kaya mahal kita eh. You're EXTRAORDINARY!"

Sapakin ko yata 'to eh.

Nagaadyang yayakapin niya ako ng umiwas ako at lumakad papunta kina Cream O at Clo. I stand between them.

Siya namang naiwan malapit sa pintuan ay nag ayos ng tayo at lumapit nanaman sakin. I raise my eye brow again. Tapos biglang hinila si Cream O at Clo na nasa side ko papalapit sakin.

"My Bitter Tamara... penge naman ng isang kiss dyan kahit sa lips lang" sabay pout nito.

Yuck! Sinong gagawa nun aber?!.

"Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo Top."

Bigla naman niyang ibinalik ang nguso niya sa normal nitong itsura tsaka nagsalita "Tamara, didn't you like the roses?"

Umiling lang ako tsaka pinagsabihan siyang umalis ng Shop dahil iniistorbo niya lang ang mga customers pati ako.

Bumuntong hininga lang siya at kinindatan ako.

Goosebumps...

Pagkatapos nung isang soon to be nightmare wink ay lumabas agad siya ng Shop.

Inihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa sarili kong mukha. Tapos ay tinignan ako nila Cream O at Clo.

"What?" maangas kong sabi sa kanila.

Hindi naman sila nag salita at sabay na tinuro yung mga bulaklak.

Yeah..I almost forgot "Oo na, ako ng maglilinis nun" Tss.. pumunta lang pala ako rito para maglinis at mabadtrip.

Hayst!

Candy's ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon