Candy's Shop - Tamarind 3

76 6 2
                                    

Candy's shop is now open...

Tamarind THREE

P.o.v of Tamara

"Give me that.." sabay agaw sa hawak na papel ni Clo.

Kanina pa kasi nito ipinagmamalaki sa ibang crew na ibinigay raw ng secret admirer niya yung papel na hawak ko ngayon.

Actually, hindi niya pa ito binabasa sadyang nauna lang siyang nagyabang. Kaya para mapatunayan ang sinasabi niya ako na mismo ang magkukumpirma.

"Let's see.. uhuh.. uhuh.. hmmm.. really!? ahaha!"

Tinignan ko si Clo sabay binigyan siya ng ano-to-look. Nagtaka naman siya kaya hinablot niya sakin yung papel.

Nakakunot noo niyang binasa ng mabuti ang nakasulat sa papel. Nanlaki ang mga mata niya ng matapos siya sa pagbabasa.

-

Cloe..pasensiya ka na kasi wala talaga akong maipambabayad sayo... pero wag kang mag alala maghahanap ako ng paraan para makabayad.

P.S wala na ko pagnabasa mo 'to.

-

Naalala ko tuloy yung nangyari samin dati.

Same situation, pero kami tumakas.

Pagkairita ang makikita sa mukha ngayon ni Clo habang pinupunit-punit niya ang papel.

I feel guilty...

Nakatulala lang ako kay Clo habang pinupunit-punit niya ang papel. Nang sumulpot si Cream O at pinigilan siya sa ginagawa niya.

"Hey, Chloretz! your messing our shop!"

Inagaw ni Cream O yung papel sa kamay ni Clo at pinulot yung mga nagkalat na pinagpunitan ng papel sa sahig. Pumunta siya sa direksyon ko at inabot ang mga pinulot niyang papel.

"Tarayid!, what are you doing? remember why you're here"

Why am I here?

Napaisip ako sa sinabi ni Cream O, but the only reason why I'm here ay dahil sa gusto kong mabayaran ang utang ni Mama yun lang at wala ng iba.

Pinagtaasan ko siya ng kilay "Anong connect nun Cresent?, tsaka anu yung sabi mo?..TARAYid??!"

Binalik ko sa kanya ang binigay niyang mga punit na papel. Iniwan ko siyang Nakasimangot at pinuntahan si Clo.

Binatukan ko muna ito "Anong problema mo niyan?"

Clo just frown at me habang naiinis pa rin. I try to talk to her kahit na hindi ko naman gawain. Nang bigla siyang tumawa.

Nabaliw na ata..

"Hoy, Tamarind anong nangyari sa inyo ni Cream O?, nag away ba kayo?... naku tsismis nanaman ito hehe.."

Napakurap na lang ako sa sinabi ni Clo. Ganun lang yun?. Kanina naiinis siya tapos ganun lang yun?. Talaga?. As in?. Di siya galit?.

"O bakit napatunganga ka diyan Tamarind?, totoo ba yung mga sinabi ko?" pagpapatuloy niya.

Nagtaas ako ng isang kilay.

"Hindi ka ba galit?"

Curious lang talaga ako.

Tumawa siya ng kaonti at nakangiting nagsalita "Tamara, utang lang yun. Pera. Hindi naman buhay yung tinakbo niya tsaka may tiwala akong babalik yun."

Ganun lang yun?. Pera LANG?!!.

Sana katulad niya na lang magisip ang mga pinagkakautangan namin.

Candy's ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon