Chapter 1

2.6K 58 10
                                    

Allysandra Fernandez's POV:

"Lysa, mag-tira ka nga para sa mga huling kakain. Para namang sa'yo lang lahat 'yan, eh. Hindi lang ikaw ang kumakain, ha?" sa halip na itigil ko ang pag-kain, lalo ko pang nilamon ang nginunguya ko. 

Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga plato atsaka na dumiretso sa labas upang pumasok na sa eskuwelahan.

"Trike!" ilang minuto na akong nasa tabi ng daan, pero walang pumaparang tricycle para isakay ako. May mga dumadaang weala namang sakay na pampasadang tricycle, pero hindi nila ako pinaparahan. 

Bakit? Dahil mataba ako. Ang ending, heto. Naglalakad ako papasok sa school. Ito ang unang araw ko sa pagpasok. Bagong school ang papasukan ko ngayon. Ibig sabihin, bagong simula.

Pagpasok ko pa lamang sa gate ng bago kong school ay lahat na ng mga mata ay sa akin na nakatutok.

 Bakit naman hindi, 'diba? Sa laki ko ba namang ito, ako ang una nilang mapapansin. Bawat matang nakatitig sa akin ay bakas na bakas ang pagkadisgusto sa mga mata nila. Wala na namang bago, pero ewan ko kung bakit masakit pa rin.

"Miss, nasaan ang daan papuntang pinakamalapit na comfort room ng mga babae dito?" nabigla ako nang may kumalabit sa akin mula sa likuran ko.

"Ha?" 

Miss, I'm asking directions if nasaan ang pinakamalapit na comfort room for girls." She repeated herself.

"Ay... bago rin po ako dito, eh. Hindi ko pa din alam kung saan.." nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nagtanong sa akin.

"Student ka rin?!" tumango ako kaya laglag ang panga niya.

Hindi ba obvious? May backpack ako. Anong tingin niya sa akin? Isang trabahador ng school? Isang teacher na?

"Akala ko kasi kasama mo 'yung mga nasa information desk..." hindi mai-pinta ang mukha ko. Umalis siya nang hindi man lang nag-sorry sa mga sinabi niya.

Sa bawat salitang binibigkas nila, kirot sa puso ang dulot nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay-sanay. I should be immune now. Pero hindi. Heto, masakit at may kirot parin.

Pumasok ako sa classroom namin at nakita ko na ang mga kaklase ko ay may kaniya-kaniya ng mga kaibigan. Malamang. Dati na silang estudyante dito. Ako? Isang hamak na transferee na napagkamalan pang faculty member.

Inilibot ko ang mga mata ko upang tumingin ng puwestong mauupuan, pero lahat ay halos occupied. Akmang lalabas na ako nang hilahin ako ng isang magandang babae. Mukha siyang anghel. Hindi gaya ko, napaka-sexy niya. May kurba ang hugis ng kaniyang katawan.

"Tara, tabi tayo. Wala pa kasi akong seatmate, eh." alok nito, kaya hindi ko siya natanggihan. Sumama ako sa kaniya at umupo sa tabing upuan nito.

"Bago ka rito?" tango lamang ang naisagot ko, dahil hindi ako komportable na may kumakausap sa akin.

"Kaya pala ang tahimik mo.. Mamaya, sigurado, mag-iingay ka na!" masayang sabi nito. Ngumiti naman ako ng bahagya bilang tugon.

Dumating na ang first subject teacher namin atsaka kami binati ng isang magandang umaga. Lahat ay may ngiti sa mga labi, puwera sa akin. Hindi ko magawang ngumiti knowing na hindi pa ako belong dito sa section na ito.

"Introduce yourself, miss...?" napapitlag ako nang ituro ako ng kahoy na stick niya. Agad naman akong tumayo at huminga ng malalim.

"Good morning. My name is Allysandra Fernandez. You can call me names which you can make up using the letters from my name. I like to sing---" hindi ako natapos at sumabat ang lalaking kaklase ko.

"Can we call you Allypiggy?" nagtawanan ang lahat kasama na ang teacher ko na inaasahan kong magtatanggol sa akin.

Napa-upo na lamang ako, dahil sa pagka-pahiya. Kahit talaga saan ako pumunta, hindi ako tanggap. Para akong isang virus na katawa-tawa para sa kanila.

"Class, dismissed."

Natapos na ang pang-huling subject namin at uwian na. Marami kaming ginagawa kahit na first day pa lamang. Ilang beses rin akong napahiya ngayong araw, dahil sa katawan ko.

---

Nang maka-uwi ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at doon umiyak. Kahit na pala ilang taon mo ng nararanasan, pwede rin palang hindi ka masanay.

Sana pala ako 'yung tipo ng tao na madaling tumaggap at lumimot ng mga pangungutya sa akin. Sana kasi, hindi ako mabilis magdamdam. Sana kasi, nailalabas ko ang totoong nararamdaman ko. Hindi 'yung ganito. Kapag mag-isa, doon lang ako nakaka-iyak.

Sana kasi, hindi ako takot na mag-open sa iba. Pero bakit lahat ng 'yon, kabaligtaran? Bakit takot kong sabihin ang nararamdaman ko sa iba? Natatakot ako na matawag akong ma-drama nang dahil sa simpleng problema lang, feeling ko pasan ko na ang mundo.

Takot akong mahusgahan, pero kahusga-husga naman talaga ako. Ako ito. Ako si Allysandra. Takot magmahal. Takot akong mahalin ng isang tao. Wala akong tiwala sa mga taong naka-paligid sa akin. Parang lahat kasi, sasaktan lang ako sa huli.

Ganiyan naman lahat, 'diba? Iiwan ka lang sa huli. Kahit nga pamilya mo minsan, sila pa ang nagda-down sa'yo. Sila pa 'yung unang sumisira ng saya mo. Sila pa 'yung humahadlang sa mga gusto mo.

In short, isa akong matabang babae na walang kaibigan, takot buksan ang puso sa iba, dahil nasanay ako na ako lang mag-isa. Na ang sarili ko lang ang sinasandalan ko, dahil oo nga naman. Pang-dalawahan ang katawan ko. Hindi ko na kailangan ng makakasama. Sarili ko lang.

Napatitig ako sa kisame habang ngumunguya ng bananaque na binili ko sa kanto bago ako umuwi kanina. Pinunasan ko ang mga luha ko at bumangon upang isulat sa journal ko ang nararamdaman ko ngayon.

Simula nung araw na 'yon, sinimulan ko na ang pagsusulat sa journal. Simple lang. Sa bawat araw, isusulat ko lang kung ano ang naramdaman ko sa isang buong araw gamit lamang ang mga salitang nasa isip ko.

At sa mga taon na lumipas, bilang lamang ang mga araw na nasabi kong masaya ako nang mga araw na 'yon. Hindi ko alam kung bakit takot akong maging masaya. Naduduwag akong buksan ang puso ko para sa iba. Feeling ko kasi, wala na akong kailangan bukod sa sarili ko.

"Kung nandito ka lang sana.. Ikaw sana ang iniiyakan ko.." hawak ko ngayon ang paborito kong gawing bookmark sa journal ko. Hanggang ngayon, namimiss ko parin siya. Hindi ko padin matanggap na wala na siya. Na wala na ang iisang taong nakapag-bukas ng puso ko. Ang taong ilang taon ng wala, pero hinahanap-hanap parin ng puso ko.

---

The Campus PigWhere stories live. Discover now