Chapter 6

547 23 8
                                    

Natapos ang mga klase na halos kulo lang ng tiyan ni Allysandra ang naririnig niya. Ni hindi man lang niya na-absorb lahat ng itinuro ng mga Prof. niya nang dahil sa gutom na gutom siya at ayaw niyang bumili ng pagkain, dahil baka hindi na naman aabot ang pera niya para pamasahe niya pauwi.

Habang naglalakad siya patungong exit, bigla namang may mabangong nilalang ang bumangga sa kaniya, dahilan para mapatingin siya rito.

It was Lucas.

"Ano ba! Tignan mo nga dinadaanan mo." Bwiset na bwiset si Ally rito.

Sino ba namang hindi? Gutom siya, pagkatapos, iinisin pa siya!

"Naks. Ang sungit naman." bigla namang may inabot na take-out box ng pagkain si Lucas sa kaniya, "Oh. Kain tayo." agad namang napasimangot si Ally kay Lucas.

"Umalis ka na." taboy niya rito at nagsimula nang maglakad paalis. Ayaw niyang mapalapit ang loob niya sa Lucas na 'yon. Nakakatakot ma-attach sa isang taong walang kasiguraduhan kung kailan ka iiwan.

Kabaligtaran ang nangyari. Hindi siya iniwan ni Lucas, bagkus ay tahimik niya lamang na sinundan si Ally sa paglalakad— na nagpairita sa matabang dalaga, kaya huminto siya sa paglalakad at hinarap si Lucas na napahinto rin at nagmuni-muni na parang isang inosenteng bata na wala namang masamang ginagawa.

"Bakit ba sulpot ka nalang nang sulpot?" sita niya kay Lucas habang nakapamewang.

"At bakit ba hindi mo nalang ako hayaang sumulpot?" balik na tanong nito at ginaya kung paano inilagay ni Ally ang kamay nito sa bewang niya.

"Pwede ba, Lucas, right? Tigilan mo kakasunod sa akin, kasi hindi ako nakikipag-bonding sa ibang tao." Ally rolled her eyes and Lucas just laughed at her.

"Sino bang nagsabing nakikipag-bonding—"

"AaaaaHhhhh!" Sigaw ni Ally na hindi niya akalaing magagawa niya bago siya nagumpisang maglakad muli.

"I hate you." Sabi nito habang naglalakad.

"Please don't!" Sagot naman ni Lucas habang tawa nang tawa sa tabi nito.

Ilang minuto pa ay may nadaanan silang bench na may batong mesa. Agad namang pumunta rito si Lucas at hinatak ang mabigat na si Ally papunta sa bench upang maupo sila.

Sinimulang ilabas mula sa box ni Lucas ang pagkaing mainit-init pa. Ang sabi ni Ally sa sarili niya, hinding hindi siya kakain nang kahit katiting lang sa dala ni Lucas dahil may hiya siya at hindi niya pa ito masyadong kilala para magtiwala nalang basta-basta, pero paglipas lang ng dalawang minuto, natagpuan ni Ally ang sarili niyang nginunguya ang shawarma na dala ni Lucas.

"Bakit lagi mo'kong pinapakain?" paninita ni Ally kay Lucas.

"Lagi lang sobra 'yung pagkain ko so I might as well find someone I can eat with, right?" He smiled and that made Ally's world stop.

No— hindi pwede, Ally.

Sinampal ni Ally ang sarili niya nang mapansin niyang nakatitig lang siya sa binata, kaya napatingin sa kaniya si Lucas at binigyan siya ng anong-ginagawa-mo-look.

Hindi niya nalang ito pinansin at kumuha pa ng isang shawarma, dahil gutom siya. Naka-ilang subo lang siya ng cup noodles kanina, ano!

Hindi siya nagsasalita kagaya ni Lucas. Tahimik lang kumakain and it wasn't awkward. Enjoy lang si Ally na nakakakain siya ng pagkain na walang nagsasabi sa kaniya na ang takaw niya, na ang taba niya, na kain siya nang kain.

"By the way..." nabigla naman si Ally sa pagbasag ni Lucas ng katahimikan, "nung nagkabanggaan tayo outside the Dean's Office, why were you spacing out? Are you usually like that or?" Tanong nito habang nginunguya ang chicken nuggets niya.

"Uhm... kasi... Kinausap ako ng Dean, asking me why I transferred here. Eh ayaw kong sabihin na nag-transfer ako rito kasi nabu-bully ako sa dati kong school nang sobra tapos nagalit siya sa akin na parang maling mali na hindi ko sinabi and sabi niya na nawalan daw ako ng respeto sa kaniya because I tried to say she might have misunderstood me for talking back—" napansin ni Ally na bigla nalang siyang naging madaldal na never niya pang nagagawa simula nang mawala si Haven, "sandali lang..." she said and think of the reason why. Kung bakit bigla siyang nagdaldal.

"Why? I was listening to you story—"

"Sandali nga!"

"Ay, ang sungit."

Did she just tell this Lucas guy the reason why?! Nagdaldal talaga siya? Oh gosh...

"Wow." Biglang sabi niya kaya naman nagtaka si Lucas sa reaksyon nito.

"Wow what?" Hindi siya nagsalita.

Nang marealize niya ang nangyayari sa kaniya, agad niyang inayos ang sarili niya. She quickly finished what she is eating at ininom ang tubig na bigay ni Lucas at saka niya hinanap ang wallet niya na nasa kasuluk sulukan ng bag niya ata dahil hindi niya ito mahanap-hanap at nagsisimula na siyang ma-frustrate.

"Ano bang hinahanap mo?" she still stayed silent habang si Lucas ay kain parin nang kain at siya, patuloy parin na naghahanap. Makalipas ang isang minuto, nahanap niya ang wallet niya at nang buksan niya ito, dalawang bente pesos ang laman nito kaya namlumo siya.

"Nasaan 'yung pera ko..." bulong niya sa sarili niya at inilabas ang forty pesos. "Bahala na nga!" Akmang iaabot niya na ito kay Lucas para gawing paunang bayad sa nakain niya dahil ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito ay nagsalita ito.

"Thank you for eating all of these with me. Heto 'yung araw na sobrang dami kong nakain na hindi ko pinipilit lang. I appreciate it." natigilan naman si Ally at biglang nakaramdam ng kurot sa puso niya, "I have this phobia of eating foods pagkatapos ay isusuka ko lang. I'm a Doctor in the making, I know, pero hindi ko alam kung ano ang cure rito. Ayokong magpa-check up kasi baka magover react na naman si Dad sa akin, kaya heto. Pinipilit ko nalang kumain araw-araw. And I'm happy because eating with you— I didn't even force myself to swallow. It felt natural to eat a lot." Tumatawa ito habang sinisipsip ang iced tea niya na may lemon.

Hindi niya natuloy ang balak niyang bayaran ang pagkain because that would make Lucas feel bad. At ayaw niya rin na sumama ang loob ni Lucas sa kaniya. Alam niya sa sarili niyang hindi siya ang Ally na nakasanayan ng lahat na walang pakialam, pero kasi...

Eating with her made him eat more than he usually intended to do?

"W-wala... 'yon..." Ally almost whispered, because she's still shocked with the fact na ang magandang lalaki na nasa harapan niya ngayon ay hindi nakakakain ng maayos.

"So what's with the forty pesos?" He asked kaya agad namang tinago ni Ally 'yung pera sa bulsa ng bag niya.

"Ah, wala. Trip ko lang ilabas." Sabi nito habang inililigpit ang pinagkainan nila nang pigilan siya ni Lucas.

"Hey, don't bother. Ako na." he said at nilinis ang batong mesa kung saan sila kumain.

"Lucas..." tawag niya rito kaya tumaas naman ang dalawang kilay niya sa kaniya at tiningnan siya nito, "Thank you..." sabi niya at mabilis na naglakad, because she doesn't want to face the awkwardness she's starting to feel around Lucas.

Bakit ba ganito ang nararamdaman niya?

One second she's comfortable as freak talking to him tapos the next minute she's awkward to even look at him in the eye.

What are you doing to me, Lucas? I barely know you...

——

Hello, guys! Ang daming nagsasabi na ang ganda raw ng story so thank you po! I'll do my best to update this actively. All the love! Ingat kayo sa covid covid na 'yan hehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Campus PigWhere stories live. Discover now