Chapter 2

1.3K 43 10
                                    

Lysa

Dear Journal,

Unang araw ko ngayon sa school. Wala namang bago. Ako parin ang tinatawanan, kinukutya at lahat-lahat na. Tinawagan akong baboy ng isa sa mga kaklase ko. Alam kong hindi naman bago, pero gusto ko lang ikuwento. Wala akong mapag-labasan nito bukod sa'yo, eh. To summarize all my feelings today, I'm not happy. Hindi na naman masaya ang araw ko. Sorry. Lagi nalang akong malungkot araw-araw. Alam ko ayaw mo ng malungkot ako, kaya sorry.. Good night na. Bukas, sana masaya naman ako.

Love,

Lys-lys

Para sa akin, ang journal ko ang kasangga ko. Lalong lalo na kapag malungkot ako. Napapagaad nito ang loob ko kapag bigat na bigat na ang pakiramdam ko. Oo, alam ko. Mabigat na ako, pero alam mo 'yon? 'Yung hindi literal na pisikal na bigat, but  ang puso mo ang nahihirapan.

Hindi ko na namalayan na nilamon na pala ako ng antok matapos kong lantakan ang limang piraso ng bar nuts habang nakahiga at nag-iisip ng mga bagay-bagay.

Paggising ko, agad na akong tumayo at nag-bihis upang maagang makapasok da eskuwelahan. Doon na lamang ako kakain, dahil ayokong masumbatan na naman sa pagkain ko dito sa bahay.
Pagod na nga sa sakit sa skwela, pati ba naman dito sa bahay?

Nandito ako ngayon sa eskuwelahan. Ginagawa na naman isang katatawanan. Ewan ko ba kung bakit hindi ko sila pinapatigil sa pangungutya nila sa mala-balyena kong katawan. Hindi ko rin maintindihan.

"Hindi ka lang pang-isang upuan, Sandy or Ally the Piggy" ito ang tawag sa akin.

Hindi nalang ako umimik atsaka tinuloy ang pagsulat ng mga nota para sa bagong tonong ginagawa ko para sa tulang nagawa ko na. Mahilig ako sa musika. Hindi lang hilig, dahil para sa akin, buhay ko na ito.

"Dapat dalawang upuan 'yung inuupuan mo, eh." humalakhak lahat ng nasa loob ng classroom.

Ngayon, nagsisisi ako na pumasok ako ng mas maaga. Mas maraming oras ang ibinigay ko sa kanila para kutyahin ako.

Natapos na naman ang isang araw sa school na hindi ako masaya. Mailap ako sa mga tao, kaya wala akong kaibigan. Tanging ang journal ko nalang talaga ang makakasama ko hanggang pagtanda.

"Hoy, Allysandra! Ipinatatawag ka sa office of the Dean..." kaklase ko 'yon. Bigla akong kinabahan.


Dahil mahilig akong mag-ikot ikot sa free time ko, agad kong nakabisado ang pasikot-sikot ng school. Agad akong naglakad ng mabilis sa office.


Kumatok muna ako. Agad naman itong bumukas. Bumungad sa akin ang isang matandang babae na sa palagay ko, ang principal ng school namin.


"Good morning, ma'am." agad na bungad ko rito atsaka nginitian ito. Tango lamang ang isinagot nito sa akin atsaka ako pina-upo sa upuan sa harap ng table niya.

"You must be Allysandra Fernandez.."
tinaasan niya ako ng isang kilay na parang ine-examine niya ang buong pagkatao ko.


"Yes po, ma'am. Bakit niyo po ako ipinatawag dito sa office niyo po?" kinakabahan ako, dahil isa akong scholar student.

The Campus PigWhere stories live. Discover now