Chapter 3

1.5K 50 16
                                    

Nakatameme parin si Ally habang nginunguya ang burger na bigay ng mala-adonis na lalaki sa harapan niya.

Hindi niya akalain na kakainin niya 'yon. Oo' gutom siya, pero she would never dare to eat something na bigay ng isang estranghero. This is not so her!

"Dahan-dahan, miss. You'll choke yourself." tumawa ito, pero sa mga mata ni Ally, para itong nagpapa-pogi.

Ipinilig ni Ally ang ulo niya ng ma-realize niya ang naiisip niya.

No.

She can't think about liking someone. She can not! Agad na napatayo siya sa bench na kinauupuan nila at iniwan ang lalaki ng walang paalam. She didn't even say good bye to him. They're not close for them to do that.

Narinig niyang tinatawag siya nito, pero hindi siya lumingon. She's not like this. Hindi siya madaling makisama sa mga tao. Hindi siya nakikipag-usap sa iba ng matagal.

She is a freaking introvert!

Isang matabang introvert. Isang matabang pangit na introvert.

Nagkakamali siya. Hindi pwedeng magkaroon ng exception sa rule niya na hindi siya kakausap ng ibang tao for more than five minutes.

Actually, it's not just a rule, but a principle. Oo. Prinsipyo na ni Allysandra iyon at hinding hindi niya ito susuwayin nang dahil lang sa isang hamak na gwapong--- no.

Hindi, Allysandra...

Umuwi siya ng busog. At least hindi niya na poproblemahin paano siya kukuha ng pagkain sa kusina nang walang makakapansin sa kaniya. Thanks to that man who gave her food.

"Oh, tatlo, tatlo! Tatlo nalang sa kanan." alingawngaw ang boses ng barker hanggang sa kanto kung nasaan si Ally, kaya nagmadali siya.

Agad siyang tumakbo, kahit na nabibigatan siya sa sarili niya para maka-abot sa jeep pauwi sa bahay nila.

"Manong---"

"Tatlo sa kanan, tatlo sa kanan!" hindi siya nito pinansin. Tinignan lamang tsaka ibinalik ang tingin sa ibang mga pasahero habang binibilang ang mga naka-sakay.

"Manong, pasakay---" pinigilan siya ng barker, kaya na-out of balance siya, dahilan para matumba siya.

"Lumba, puno na. Last trip na ngayong alas-singko. Kung gusto mo, mag-tricycle ka nalang." halos pasigaw na sabi na ng barker, dahil sa taglay na lakas ng boses nito.

"Pre, pasakayin mo na si Lumba... Pagbayarin mo nalang ng tatlo-katao." humalakhak ang mga kasamahan nilang barker.

Parang sinaksak ang puso niya, dahil sa diskriminasyon sa tulad niyang hindi nabiyayaan ng magandang pangangatawan. Parang tinutusok ang puso niya, kahit araw araw naman niya itong naririnig sa iba.

"Magkano ho ba, manong?" pinilit niyang tumayo at magpaka-tatag, kahit na ang totoo ay nanghihina siya.
"Nobenta ang tatlo, Lumba." kinuha naman agad niya ang wallet niya atsaka inilabas ang natitira niyang pera.

Nang mailabas niya ito lahat, binilang niya ito at kuwarenta nalang lahat ang pera niya. Agad na tinawanan siya ng barker at di naglaon ay umalis na ang last trip na jeep, dahil napuno na ito ng ibang tao.

Wala siyang choice. Magta-tricyle na lamang siya.

"Magkano po hanggang San Roque, kuya?" nag-isip muna ang driver.

"Sixty." napa-bagsak naman ng balikat si Ally.

"Salamat nalang ho."

Nagsimula na siyang maglakad pauwi.
Bakit ba laging salungat sa kaniya ang hamon ng buhay? Bakit lagi nalang siyang nahihirapan?

The Campus PigWhere stories live. Discover now