Chapter 5

547 24 7
                                    

Third Person's Point of View

"Hindi! Hindi! Hindi totoo yan!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Allysandra sa kwarto niya. Tumatagaktak siya ng pawis at napakabilis ng tibok ng puso niya.

ISANG ARAW na ang nakalipas, pero nasa isip parin niya ang mga sinabi sa kaniya ng binatang nakilala niya.

Oo, si Lucas.

Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tama ng bawat salitang binitawan niya sa kaniya, but one thing for sure is he's not healthy for me. Hindi healthy para sa kaniya ang isipin ang isang lalaking hindi naman niya ka-ano ano.

Oo, nakausap niya ito, pero hindi siya ang tipo ng babae na kakausap ng estranghero na iisipin niya sa susunod pang mga araw!

This is not her— or maybe... this is the real her, but she keeps telling herself she's not kasi ayaw niyang aminin sa sarili niya na ganito siya. Na kaya niyang buksan ang puso niya, na kaya niya namang makipag-usap sa iba, na kaya niyang mag-appreciate ng maliliit na bagay na ginagawa ng iba sa kaniya at kaya niyang tumawa sa simpleng mga bagay.

But she can't blame herself for pretending to be someone she's not, because it's hard for her na magtiwala. It's hard, because pagod na siya. Sobrang pagod na para umulit na naman. Na restart na naman.

Na bagong tao, bagong alaala, bagong saya, bagong pag-asa na baka siya na... at bagong sakit na naman sa puso...

Tumayo siya mula sa higaan. Umaga na at may pasok, ngunit 4AM palang at mamaya pang 7 ang pasok niya. Nagising siya sa isang panaginip na kahit pilitin niyang alalahanin ay hindi makapasok sa isip niya. Gustung gusto niyang ituloy ang panaginip niya. She's eager to find answer in the situation, pero nang subukan niyang matulog muli at ituloy ang panaginip niya, she can't— at walang taong kayang gawin 'yon.

Heto lang siyang tangang umaasa na baka kahit man lang sa panaginip mangyari ang gusto niya. Na kahit man lang sa panaginip, she'd be having the best time of her life na hinding hindi niya makakamit sa reyalidad.
Life is cruel for her and no one would dare to blame her sa pagiging galit niya sa mundo, because she's been through a lot.

Kinuha niya ang journal niya na nasa tabi ng unan niya at nagsimulang magsulat.

Dear Journal,

Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo matapos kong pumasok sa school. Mahirap parin makisama, kasi ikaw lang hinahanap ng puso ko. Ikaw lang kasi ang may alam kung paano ako patawanin, pasayahin at buwisitin at the same time— pero alam mo ba? Nung nakaraang araw, may nakilala akong lalaki. Well, may itsura siya, pero wala siyang panama sa'yo. There's something in him that amuses me... and I don't like it—

Hindi pa niya tapos mai-sulat ang gusto niyang isulat sa journal niya at biglang kumulo ang tiyan niya. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kalamnan niya. Hindi siya naka-kain kagabi nang dahil sa ayaw niyang masabihan na kain siya nang kain.

Kaya nagdesisyon siyang lumabas ng silid niya at maglakad tungo sa kusina nila. Titignan niya kung mayroon pang tirang pagkain mula sa ulam nila kagabi. Pagdating niya sa kusina, nadatnan niya ang mga pinag-kainan sa lababo na hindi pa nahugasan.

"Punyetang buhay..." napamura siya ng mahina. Oo, wala siyang karapatang magreklamo, pero nagsasawa na siya na araw-araw ganito na lang ang set up ng buhay niya. Nakakapagod, pero kailangan niya lang tumuloy, dahil wala siyang magagawa kung hindi sumama lang sa agos.

Tahimik at maingat niyang hinugasan niya ang mga plato at nilinis ang kusina, mesa at lababo na magulo. Pagkatapos, nagtingin siya nang makakain. Nang nakahanap siya ng cup noodles, agad niya iyong timanggalan ng plastic at binuksan. Sakto namang may mainit na tubig, kaya binuhasan niya ang cup noodles ng katamtamang dami ng tubig.

Maingat siyang umupo sa isa sa tatlong upuan na nakapalibot sa mesa, ayaw niyang makagawa ng ingay nag magpapagising sa nga tulog sa bahay, dahil paniguradong sasabihan na naman siyang baboy at matakaw.

"Salamat po, Lord..." bulong niya habang nakapikit niyang ninanamnam ang unang subo ng noodles. Sinundan ito ng pangalawa, pangatlo, pang-apat—ngunit hindi ng pang-lima, dahil bago pa niya ito maisubo, nakarinig siya nang mga yapak galing sa kwarto.

Si Auntie...

Lumakas ang pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit parang kasalanan ang pagkain niya ng mga pagkain sa bahay. Kung bakit parang sa tuwing nakikita nila siyang kumakain ay parang hindi siya taong hindi nagugutom.

Agad niyang tinapon ang cup noodles kahit sobrang nasasayangan siya, dahil may noodles pa at hindi pa niya nahihigop ang sabaw at agad na nilinis ang mesa at nagpanggap na naghuhugas ng plato, ngunit ang totoo ay hinihugasan niya ang kutsara't tinidor na ginamit niya.

Pagdating ng Auntie niya sa kusina, nagbadya na siyang umalis nang higitin siya ng Auntie niya ang braso niya ng mariin pabalik.

"Naaamoy ko ang kinain mo. Kain ka lang nang kain, ni hindi mo man lang tinanong kung kanino 'yon?" Kagigising lang ng Auntie niya, kaya ayaw niya itong sagutin, dahil umagang umaga't baka magsigawan sila.

"Auntie, hindi po kasi ako nakakain kagabi—" sabi ni Ally at pilit na inaagaw ang braso niya sa Auntie niya, kaya binitawan niya naman ito, ngunit bigla siyang humalakhak.

"Lysa, kahit isang buwan kang hindi kumain, sa katawan mong 'yan, Diyos ko! Hindi ka papayat!" sabi nito atsaka nawala nang parang bula ang tawang ekspresyon niya at napalitan ng masungit na madrastang mukha.

"Auntie—"

"Oh, sumasagot ka pa..." hindi nalang nagsalita si Ally at dahan dahang umalis sa kusina. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.

Akala niya wala lang sa kaniya iyon, pero bakit? Bakit napaka sensitive niya? Dapat sanay na sanay na siya kasi laging sinasabi sa kaniya, pero bakit parang bawat araw, pasakit lang nang pasakit ang nararamdaman niya?

6AM na at naghanda na siya para pumasok sa ekswela kahit labag sa loob niya. Maga ang mata niya, pero hindi naman nila iyon mahahalata, kasi mas mapapansin nila ang mataba niyang mukha kaysa sa maga niyang mata. Iyon ang totoo.

Walang makakaalam kuny malungkot siya, kung masaya siya o kung naiinis siya sa lahat. Si Haven lang. Ang Haven niya lang, tapos kinuha pa ito sa kaniya. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit lagi niyang kinukwestiyon ang buhay. Napakadamot nito sa kaniya, lalo na ng kasiyahan...

"Alis na po ako, Pa..." hindi siya tinignan ng tatay niya, pero sanay na siya. Naghintay siya sa labas, para makasabay siya sa pinsan niyang magta-tricycle patungong terminal. Para makatipid siya. Wala na rin siyang allowance, baka hindi na umabot, kapag hindi siya nagtipid.

"Tito, Mama, papasok na po ako." Rinig niyang sabi ng pinsan niya, kaya naman napasilip siya at nakita niya kung papaanong nginitian ng Papa at Auntie niya ang pinsan niya samantalang siya— wala.

Ayos lang. Sanay ka na, hindi ba? — kumbinsi niya sa sarili niya, pero kahit anong gawin niya, hindi parin niya maitatanggi na sana hindi ganito ang buhay niya.

——

Hello! Kumusta? Hello naman kayo diyan! :) I'll dedicate this chapter to @ (comment now for dedication on next chap) heheheh :)))

The Campus PigWhere stories live. Discover now