Eranian ka kung...
Taga New Era University ka! ;)
--
CENTENNIAL BREAK.
Usap-usapan ang Centennial Break kahit saang sulok ng Era ako pumunta.
May mga nagpaplano, may mga mamimiss daw. Basta ewan, feeling ko naman alam nyo na yung feeling ng last week before CB ^_^
Para sakin, that day was... ugh! Ordinary. Sa totoo lang, dahil nga ako ay isang dakilang dirtbag na pakalat-kalat sa campus ,ay wala talaga akong kaamor amor na pansinin ang nasa paligid ko.
Wala talaga kong pakialam kahit mag CB noh. Ni ang habol ko lang naman talaga ay ang mismong Centennial.
Loner ako kadalasan.
Transferee kasi ako. Wala akong block na kinabibilangan. Although, may mga sections akong pinapasukan na super mababait naman ang classmates, hindi ko pa rin maiwasan na maOP.
Free Sections! Feel nyo ko? Malamang hindi. ^_^ kung Oo man, nice :)
May pagkasnob ako.
Hindi naman sa snob ako dahil maganda ko, Wala lang talaga kasi akong pakialam. Hindi naman ako mabilis magkainteres sa mga bagay bagay. Kaya kadalasan, hindi ako namamansin. At aware kong isa rin yung dahilan kung bakit wala ako maysadong friends! (_ _)
Di ako Maganda.
Mas lalong di ako pahumble! Pero di rin ako downer! Lalo na kung sa sarili ko noh! Hindi ako panget, sadyang ipinanganak lang yung iba na maganda agad, hindi ako maitim, maputi lang yung iba, hindi ako mataba, wala lang makain yung iba, pero ang ipinagmamalaki ko, matangkad ako! Di pa lang nila nagagamit ang cherrifer! ^_^
Seriously though, aside sa mga characteristics ko... Never! As in Never akong nainsecure sa iba! Marami akong kayang ipagmalaki.
Unang una, Im a good daughter.
Pangalawa, Im a very loyal friend. (To everyone!) (kahit konti lang ang "everyone" ko.)
Pangatlo, Im witty. (In person, promise!)
Pang apat, Im smart. (Walang halong biro)
Panglima, Im trust worthy. (Try me.)
Pang anim, IGLESIA AKO. (Proud ako! <3)
Pero hindi ako nagmamayabang, alam kong everyone has their own flaws. Im not perfect, kaya di ako nakaligtas. At ang mga negative sakin, well negative talaga!
Hindi ako insekyora. Not until, I saw him. And believe me, he saw me too.
