Zyra PoV:
"zyraaaaa! Zyraaaaa! Wag please waaaggggggg!!!!!"
Hahahaha!(hingal po yan).
What a strange dream. Napabangon tuloy ako ng maaga. Tinignan ko ang relos sa kamay ko. Arrgghhh! Ang aga pa, 4:08am palang my gosh. Tinignan ko si Mia kung gising na siya, ngunit hindi pa kaya napag desisyonan kong lumabas muna ng dorm.
No worries naka pag brush at nakapag ayos na ako ng sarili ko. Pero naka pang bahay parin akong damit pag matutulog bathrobe ganun.
Nag lalakad lakad ako ng mapansin kong may tao sa banda damuhan ng school.
Dahan dahan akong sumilip at nagulat ako sa nakita ko. Isang nakahubad na lalaki na lumulutang sa himpapawid, a-ang sarap niya, 8 yung abs niya at ang ganda ng body niya.
Nakikita ko lahat kasi may apoy sa baba niya parang torch. Napaatras ako ng mapansin kong dumilat na siya.
Crack!
Shit, nakaapak ako ng kahoy.
Kinabahan ako bigla."sino yan? Lumabas ka diyan sa likod ng puno o susunugin kita ng buhay?" galit na sigaw niya.
"a-ah e-eh hhmm napadaan lang naman ako eh. 😅" pag papalusot ko pero wala atang talab eh.
"panong napadaan kung nag tatago ka sa likod ng puno, wag mo akong gawing tanga" kunot noong sabi niya. "sino kaba ha? Ngayon lang kita nakita dito sa school na to, are you a water element user?"
"eh ano kasi" jusko ano tong pinasok. Ko. "may nakita kasi akong ilaw tapos pinuntahan ko, then tada nakakita ako ng masarap."
What the ano yung sinabi ko?
"anong sabi mo? Pakiulit yung last na sinabi mo?" kunot noong sabi parin niya.
"ha? Meron ba?" pag papalusot ko.
"tsk! Sagutin mong tanong ko water element user kaba?"
"h-hindi bakit?"
"eh bakit blue ang mata mo?"
What eh violet kaya mata ko.
"anong blue Violet yan" angal ko sakanya kasi totoo naman eh, violet naman talaga.
"pano mo nasabing violet kung blue ang nakikita ko ngayon."
"hindi ko alam. Teka teka nga bat ang rami mong tanong close ba tayo, at bat ka naka boxer brief kalang?" napatingin uli ako sa ibaba niya. Inpernes si kuya may ipag-MAMALAKI siya ah.
"ano bang pake mo. Wait ha! Pinagpapantasyahan mo ba ako, tsk mga babae nga talaga makakita lang ng ahas na bakat big deal na sainyo." nakangising sabi niya.
Aba aba, bwisit to ha.
Paakkk!!
Oo sinampal ko siya ng malakas pasalamat siya naka gloves ako kundi butas muka nito.
" hindi lahat ng babae katulad ng sinabi mo, ibahin mo ako, and fyi hindi kita linag papantasyahan in your face!!!" sigaw ko sabay tinalikuran siya, oh diba hanep walk out ang peg. Aba bwisit siya eh kala mo kung sinong diyos. Yung toot! Lang naman niya ang mighty.
Napatigil ako sa paglalakad ng sumigaw siya.
" hoy babaeng gold ang buhok anong pangalan mo? " sigaw niya.
Bat ko sana sasabihin ano siya siniswerte bahala siyang mag tanong kung anong pangalan ko.
"bahala ka sa buhay mong ugok ka bwisit!" tinalukuran ko uli siya at linag patuloy ang pag lalakad.