TAG 10
Nandito na kami sa mini park ng DHigh. And guess what?
“Pfffft.”
Inaasar at pinagtatawanan pa din niya ako! What’s the big deal ba? Kakairita na.
“Can you shut up? Your so annoying.” I said and rolled my eyes at him habang umuupo sa isang bench sa may dulo.
“Pikon? HAHAHA.”
“Tumigil ka na nga. Hindi na nakakatuwa.” I said in a serious and warning tone.
Napatingin naman siya sakin. Nung nakita niyang seryoso at naiinis na ako, tumigil na din siya. Nag act pang zinizip niya na yung bibig niya.
Matatawa na sana ako. Ang cute kasi ng gesture niya! But hindi pwede. Kailangan kong pigilan. Serious mode muna. baka asarin niya lang ulit ako. Buti nga napatigil ko na siya this time eh. Saying naman ang effort ko kung tatawa nalang ako bigla dahil sa ang cute niya sa gesture niyang ‘yon. No way!
“Good.” I simply said.
“Ang taray. Mahirap magpigil ng kilig.” Sabi niya sabay smile at may pataas baba pa ng kilay.
“What? ME? Kinikilig? Like seriously? Never!” I shouted at him.
“Ang defensive, ah?” nangaasar pa din niyang sabi.
“Whatever.” I said in rolled my eyes.
“Tara doon tayo.” He said out of nowhere.
“Where?”
“Doon oh!” sabay turo sa kabilang banda.
Ang alam ko pag pumunta ka doon labas ka na sa area ng DHigh. Hindi na part ng mini park yon o ng DHigh. Kailangan mo pang dumaan sa mga wires and pader ng DHigh para makapunta doon. Seriously? Papatawiriin niya ako doon?
“Why? Seriously? Papatawarin mo ako doon? ” I asked. Siya kasi lumulutang lang. Kaya madali siyang makakalusot sa harang.
“Wala lang ang ganda doon eh. Tignan mo? Diba? Ano tara? Ang boring naman sa bench na yan eh!” reklamo niya. Ang hilig sa adventure?
“But—“
“Tara na!” At nauna na siyang pumunta.
Iiwan talaga ako?
“Wait!”
No choice!
Naglakad na ako papunta doon. Siya naman lumulutang. Paano ba ako makakalampas diyan?
“Paano na niyan?” I asked.
“Basta. Akong bahala sayo.” He said in a convincing tone.
“Seryoso? Paano mo ako matutulungan? Mahahawakan mo ba ako?” I asked in a sarcastic tone.
“Psh. Dali na! Itry mo na! Uso magexplore kahit paminsan minsan. Adventure to dali!”
“But—“
“Dali na!” putol niya ulit sa akin.
At dahil no choice na ako! At hindi ko alam kung anong gagawin ko. At nagulat ako sa pagsigaw niya. Lumusot na ako sa mga wires whatsoever na yon! Hindi ko namalayan nalampasan ko pala. Adrenaline rush na rin siguro.