TAG 15

492 19 2
                                    

TAG 15

 

“GO KEEEEEEEEEEEN!!!”

“Disgusting.” Sabay naming sabi ni Bianca habang naka cross arms at nag roll eyes.

Nakakainis naman kasi yung mga nagchecheer kay Ken eh. Ang iingay. Si Ken naman pacute pa. Kaya ayan, lalong umingay. Si Ryan naman NR lang. No Reaction.

“JEROMEEEEEEEEEEEEE!!!”

Oh well. Pati pala si Jerome tinitilian din. At nandito rin yung attention-seeker na si Denice. Psh.

Kaagad naman lumapit si Ken sa amin pagkatapos nila. Lamang ang team ni Ken.

“Walang kupas!” sabi ni Bianca sakanya.

“Syempre!” pagmamayabang ni Ken.

“Hi Ken! Ang galing mo kanina.” Sabi ni Denice pagkalapit sa lugar namin. Psh. Close kayo?

“Thanks.” Simpleng sabi ni Ken at saglit na tinignan si Denice. At bumaling ulit sa amin.

Para namang medyo napahiya si Denice kaya bigla siya umalis. At lumapit naman kay Jerome. Oh. Hindi ko alam na close pala sila? Feeling close nga pala si Denice. Tss.

“Snob?” tanong ni Ryan kay Ken.

“Im not. Snob na sainyo yon? Mas snob ka kaya Ryan. Buti nga nagpasalamat pa ako sakanya eh. Kung ikaw siguro kakausapin non. Hindi mo talaga papansin eh.” Sabi nI Ken.

“What happened?” I asked.

Nakakacurious lang kasi. Parang hindi siya pinapansin ni Bianca at Ken. Diba dati? Nung dumating dito yang Denice na yan. Kausap nila? But now? What happened?

“Wala lang. Nakakairita kasi siya.” sabi ni Ken sabay inom ng tubig.

“Yeah right! Ayaw ko na sakanya. Nakakainis pala siya.” biglang sabi din ni Bianca.

Nagkatinginan naman kami ni Ryan.

“Nakarealize din kayo ah.” Sabi ni Ryan.

“Oo nga. Una ko palang nakita yon hindi ko na siya feel. Ewan ko ba. Basta nakakainis siya. Tapos ganon din pala si Ryan. Buti nalang nakarealize din kayo.” I said.

“Oo nga eh.” Sabi ni Bianca.

Napatingin naman ako kay Ghostie. Nakatingin lang siya sa amin. Nakikinig sa pinaguusapan namin.

“Nagugutom na ako!” biglang sabi ni Ken na parang bata.

“Para ka talagang bata.” Sabi ni Ryan.

“Ehhh? Kuya naman eh.” Pangaasar ni Ken kay Ryan.

“HAHAHAHAAHAHA.” Tawa naman ni Bianca.

“Baliw.” Asar na sabi ni Ryan sa aming tatlo.

“Ang pikon mo talaga.” Sabi ni Bianca.

“Oo nga KUYA.” Sabi ko naman at lalo kaming nagtawanan.

“Tigilan niyo nga ako. Ako nanaman ang nakita niyo.” Sabi ni Ryan.

Asar na asar na talaga siya. Ang sarap lang asarin ni Ryan.

“At nakikisali ka pa Krystal sa kabaliwan niyang si Ken.” Sabi ni Ryan sa akin.

The Arrogant GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon