Chapter 1

2 0 0
                                    

AERISH POV

"Mune!"

Pabalyaw ko sigaw ng ngatngatin ng aking pusa ang liston ng aking sapatos. Lumingon lamang ito at muli pinag patuloy ang pag ngatngat.

"Haist! Mune naman, hindi yan pagkain! Sinisira mo lang ang sapatos ko eh. Alam mo naman nag iisa sapatos ko na lang to tapos sisirain mo pa? Bad pussy!" Pinalo ko ang pwet nito dahilan para sumama ang kanyang tingin sa akin.

"Abat! May gana kana magalit ha?! Kung humanap ka kaya ng pag kain sa labas hindi iyon sapatos ko ang nginangat-ngat mo!" Tinitigan ako nito bago tumalikod. Agad naman ako napatakbo at mabilis na kinarga si Mune.

"Joke lang baby, sige na mag hahanap na ng trabaho si mama para maka bili ako ng pag kain mo ha?" Hinipo-hipo ko ang kanyang mahahaba at makintab na balahibo, napa buntong hininga na lamang ako ng agad ito pumulupot sa aking mga kamay upang ma tulog.

Napatitig ako sa bintana katabi lamang ng maliit kung kama, matatanaw ko ang nag lalakihang punong kahoy nang madilim na gubat na hindi ko alam kung may hanganan ba. Humiga ako habang kinumutan si Mune na mahimbing na nanatutog.

Nalunod ang aking isip ng dapat kung gagawin bukas na bukas,dapat makakita na ako ng trabaho kung hindi pano kami mabubuhay ni Mune. Malapit na rin ang bayarin ng upa ko sa maliit lamang na kwarto ito, kug titignan,tama lamang sa iisang tao pero ang mahal ng upa nito.

Ito lang din ang mag kakasya ng pera kinikita ko sa mga trabaho pinasukan ko. Pero ngayon tila matutulog na lamang kami ni Mune sa kalye kung hindi pa ako makakahanap ng trabaho. Nilingon ko ang akin pusa na malalim na ang paghinga, napangiti ako ng lumabas ang dila nito.

"ikaw na lamang ang meron ako kaya wag na wag mo ako iiwan ha?" Gumalaw ito at maslalo sumiksik sa akin na tila sa ganuon paraan pinapahiwatig nito sakin na hindi niya ako iiwan.

————-

mabilis ko sinuklay ang aking buhok at patakbo dinampot ang aking bag at envelope na nag lalaman ng mga requirements ko sa pag hahanap ng trabaho.
Palabas na sana ako ng may nakalimutan ako gawin.

"Baby!" Pag tawag ko kay Mune na busy sa pag kain ng Isda. "Dito ka lang ha? Wag ka lalabas kung ayaw mo maging siopao ka!, behave okay? Mag hahanap lang ng trabaho si Mama." Nag meow lamang ito at hindi na tumingin pa sa akin kaya nag pasya na kung  umalis baka ma late pa ako traffic pa naman ngayon.

Matapos ang ilang ulit ko pag apply sa mga fastfood chain kahit isa walang tumangap sa akin puro nalang sinasabi ay "sa iba ka nalang mag apply hija wala nakami bakante eh" tskk.. if I know ayaw lang talaga nila ng undergraduate oh taga probensya katulad ko.

Umupo muna ako para mag pahinga masakit na ang aking mga paa may paltos na rin ito at pawisan na ang aking likod. hindi parin ako nakakahanap ng trabaho, san kaya kami pupulutin ni Mune pag hindi ako nakahanap agad ng mapapasukan.

Ilang minuto muna akung nag pahinga bago nag pasya muli sumubok sa pag hahanap,nang mapansin ko ang pag dilim ng kalangitan.

"Lintek, uulan pa yata" tinignan ko ang aking relo ng makita mag aalas 4 na pala ng hapon,hindi ko na pansin ang oras kaya pala iba na ang tama ng gutom sa akin.

Labag man sa luob nag pasya na lamang ako umuwi, dahil nag sismula na pumatak ang ulan. Sumakay ako ng jeep kahit puno ay tiniis ko hindi maka upo ng maayos upang maka uwi lamang. Napakagat ako sa king labi ng bumuhos na ang napakalakas na ulan.palihim ko tinignan ang aking bag kung saan naka luob ang envelope kung dala at ang sira kung payong, kakayanin kaya nito ang malakas na hangin at ulan?

Wala ako magawa kundi gamitin ang sirang payong ng pa baba na ako sa lugar namin, patakbo ko na lamang tinungo ang apartment kung saan ako naka tira. Para akung basang sisiw ng maka rating sa may silungan ng bahay,pinagalitan pa ako ng may ari ng makita ang maputik kung sapatos.

Celestial MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon