Prologue

4 0 0
                                    

Hingal na hingal na ako at nahihirapan na din huminga pero hindi ako pwede huminto, hindi nila dapat ako mahuli, katapusan ko na kung madadakip ako ng mga ito.

"Hindi mo kami matatakasan,habang buhay ka namin susundan upang patayin!!!"

Nakakakilabot ang aking na ramdaman iba ang tuno ng kanyang boses parang isang demonyo na handa ako kainin. Narinig ko ang nakakatakot nila pag tawa tila tuwang-tuwa.Nag uunahan na pumatak ang aking luha, hindi ko alam kung saan ako patungo basta ang gusto ko lamang ay makatakas sa kanila.

Madilim na lugar at walang katapusan, tanging ako at ang mga nilalang lamang na humahabol sa akin ang andito. Hindi ko alam kung saan ako tutungo ang tanging hinihiling ko lamang na sana isa lamang ito panaghinip na ano man oras ay gigising ako sa katutuhanan na ang lahat ng ito ay kathang isip.

"EROS!"

Napapaos ko ng sigaw pero kahit ano ang aking gawin pag tawag sa kanya alam ko hindi ito susulpot upang tulungan ako. Tanging ang aking sarili na lamang ang aking sandigan, ang kakaunti ko lakas na lamang ang aking makakapitan.

At sa huli sandali lakas luob kung hinarap ang mga demonyo humahabul sa akin, wala ako ibang maasahan kundi ang kakayahan ko na lamang.

"Tatapusin ko kayo lahat!"

Kasabay ng aking sigaw ang pag hila ko sa matulis na espada, buong lakas ng aking katawan ang aking ibinigay sa huling pag kakataon na magawa ko upang mabuhay.

Celestial MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon