Chapter 2

3 0 0
                                    


MADILIM

DUGO

Mga PATAY

Nanginig ang buo kung katawan habang nakatitig sa mga katawan naka handusay,gusto kung sumigaw pero wala ni isang ingay na lumalabas sa aking bibig.

"Kasalan mo to!" Napa lingon ako sa kung saan ng galing ang boses na iyon. Isang liwanag lamang ang aking nakikita, hindi ko ma aninag ang mukha niya

"Kung hindi dahil sayo hindi sila mamatay!"

"Pinatay mo sila!"

AHHHHH!!!! Sigaw ko pero wala boses na lumabas sa akin bibig. napa luhod ako sa sakit na aking naramdaman, kasabay ng aking ungol ang mga sakit na nararamdaman parang may ma tumutusok sa aking katawan. Napa daing ako ng isang patalim ang bumaon sa aking dibdib, napa iyak ako sa sakit na dulot nito hinawakan ko ang patalim na ngayon ay hawak ng isang babae may kulay pula mga mata.

Sa pag titig nito at pag ngisi ang dahilan ng pag hina ng katawan ko. Mala demonyo ito tumitig sa akin na hindi ko kaya makita sa mga mukha niya.

HINDI! Isa lamang ito panaghinip, pilit ko iyon sinasabi sa aking isip.

"DIE" bulong nito na mas binaon ang patalim at dahilan ng pag buga ko ng dugo, sa pag kakataon na ito alam ko sasarili ko ito na ang katapusan ko.

"Sa tingin mo mabubuhay pa siya?"

"Imposible, masyado ng mahina ang katawan niya"

"Pero pa ano ba siya naka pasok? Ang alam ko wala ni isa ang nakaka daan sa lugar na yun patungo dito"

"Shhh, gising na siya"

Iyon lamang ang narinig ko mga Boses sa di kalayuan sa akin. Alam ko malapit lamang sila pero hindi ko pa kaya ibukas ang mga mata ko, hinang-hina parin ang aking katawan nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib kung saan ako sinaksak ng babae iyon. Totoo ba yun?

"Ahhh.... ahh.." daing ko ng maramdaman ang mga kurot sa bawat parte ng aking katawan.

"Chloe! Tawagin mo na si Sir Russ malubha na ang kanya lagay, mauubusan siya ng dugo" isang babae ang narinig ko sumisigaw pero hindi ko makita ang mukha nito dahil abala ako sa pag daing at pag dama sa aking nararamdaman.

"Shut up Mikka, you see hindi natin pwede gawin yun, malalagot tayo!"

"Ano kaya kung tuluyan nalang natin siya at ilibing?"

Sa sandali iyon pinilit kung ibuka ang aking mga mata, papatayin nila ako? Hindi ko na alam kung ano mararamdaman ko dahil sa pinaghalong sakit na hindi ko alam, mainit ang aking kaTawan na parang sinusunog ang bawat parte ng aking systema.

Kahit malabo ang aking paningin ay pilit ko parin inaaninag ang mga bulto nila, isang babae ang nasa aking giliran at naka tunghay sa akin habang sa likuran nito ay dalawang lalaki sa bawat tagiliran niya hindi ako sigurado dahil malabo pa ang aking paningin. Kahit nahihirapan ako ibuka ang aking mga talukap pinilit ko parin sila tignan, Isang babae palakadlakad ang nasa may pinto banda, ngayon alam ko na nasa isang bodega kami dahil sa gamit na naka tambak.

"Sa tingin ko lumalaban parin ang katawan niya, at hindi natin pwede gawin iyon Neon, hindi tayo pumapatay ng Mga inosente." Rinig ko sabi ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino sa mga katabi ng babae nasa gilid ko ang nag salita pero alam ko isa iyon sa kanila dahil malapit laman iyon.

"AHHH!" Ngayon malakas na daing na ang aking sinigaw, gusto ko pag sasapakin ang mga tao ito alam ba nila nahihirapan ako bakit ayaw nila ako tulongan?

Celestial MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon