Masaya si sally sa bagong cellphone na binigay sa kanya nang kanyang mga magulang na sina roger at lisa.
Regalo sa kanya dahil sa matataas na grado na nakuha sa school...isa sya sa mga top sa kanilang school.
Mabait na bata si sally kaya naman mahal na mahal sya nang kanyang mga magulang.Lahat nang pangangailangan nya sa school o kahit ano naibibigay naman nang magulang nya kapag may hiningi sya.Hindi naman sya yung batang spoiled...humihingi lang sya kung kelangan lang talaga...kaya nga natutuwa sa kanya ang magulang nya dahil sa kanyang ugali ito...at alam nyang proud na proud ang magulang nya sa kanya...
Habang nasa kwarto si sally di nya mapigilang ma excite dahil sa kanyang bagong cellphone...kinakabisa nya kc at di pa sya masyadong marunong gumamit nang touch screen na cellphone...yung dati nya kasing cellphone e de keypad lang.
Ngayong may bago na syang cellphone magagawa nya na ding mag selfie katulad nang mga classmate nya...gagawa din sya nang Facebook,Twitter at instagram para di naman sya mahuli...sa tingin nya nga sa kanilang klase sya na lang ang walang touch screen na cellphone kaya nga minsan naiinggit sya kapag nakikita nyang masayang nag seselfie ang mga classmate nya.Hinihiling nya na sana bigyan din sya nang magulang nya nang bagong cellphone at yun na nga....meron na sya ngayon kaya masayang masaya sya at di mapakali sa kakakalikot sa bago nyang cellphone.
"Siguradong matutuwa ang kaibigan ko nito kapag nalaman nyang mag bagong cellphone na din ako...hihihi" sabi sa sarili ni sally habang nakangiting pinagmamasdan ang kanyang hawak na cellphone.
Maya-maya narinig nyang tinatawag na sya nang kanyang mama para kumain nang hapunan..."sally,anak...halika na muna..kakain na tayo...dumating na din papa mo.hinahanap ka."
"Opo mama,lalabas na po ako".sabi nya..
Paglabas nya nang kwarto nakita nya yung papa nya na naka upo sa sala at nagpapahinga.Kakauwi lang kc galing sa trabaho.Tumingin ito sa kanya at ngumiti.Nagmano sya
"Kumusta po kayo,pa?
Napagod po ba kayo sa trabaho nyo?"tanong nya."Hindi naman anak.nagpapahinga lang nang konti...alam mo na tumatanda na ang pogi mong papa,hahaha!" Sagot nang papa nya...
"Tumatanda na nga kayo pa pero hindi po kayo pogi" Natatawa nyang sabi. Sumama ang tingin nang papa nya sa kanya na parang nagtatampo. "Pero gwapo po kayo kaya nga po nainlove sainyo si mama e..hihihi..diba mama?" Sabay bawi at yakap sa kanyang papa habang nagtatawanan sila.
"Naku!ayan na naman kayong dalawa...nagbobolahan na naman kayo.wag nyo na ko isali sa bolahan nyo.." natatawang sagot nang mama ni sally na katatapos lang mag ayos nang mesa para sa kanilang hapunan.
" kain na tayo,dad.sally,anak..lika na...masarap ulam natin ngayon..paborito mo anak..sinigang na baboy na may gabi!" Sabi nang mama nya habang naglalakad at nakayakap sa papa nya at nakaakbay naman papa nya sa kanya papuntang kusina para maghapunan.
"Yehey!thank you,mama.siguradong masarap to kasi kayo nag luto e..excited na po akong kumain".sabi nya at nauna na syang umupo sa hapag kainan.
Inalalayan munang makaupo ni roger ang asawang si lisa bago sya umupo sa tabi nito.
"Bago tayo kumain e dasal muna.anak,ikaw na manguna".sabi ni roger sa anak na si sally.
" sige po,papa.Sa ngalan nang Ama,nang anak at esperito santo...Lord,thank you po sa buong araw na binigay nyo po saamin..ligtas po kami.maayos pong nakauwi si papa sa amin ni mama.Thank you din po sa blessing sakin kc po binigyan po ako nila mama at papA nang regalo..thank you din po sa masarap na pagkain na hinanda sa amin ni mama ngayong gabi..maraming salamat po Lord...sa ngalan nang Ama,nang Anak at Espirito santo,Amen...".pagtatapos ni sally sa kanyang dasal.Nginitian nya ang kanyang magulang."kain na po tayo ma,pa..".aya nya.
"Opppsss!teka muna anak,may sasabihin pa kami nang papa mo sayo.matutuwa ka".masayang sabi ni lisa.sabay tingin kay roger na nakangiti din."sige na,ikaw na magsabi."ani lisa kay roger.
"Anak,diba sabado bukas.wala kang pasok...wala din akong pasok sa trabaho bukas kaya naisipan namin nang mama mo na mamasyal naman tayo.Puntahan natin yung bagong bukas na pasyalan...yung sa tagaytay...maganda yung mga tanawin dun...medyo mapuno pero inayos yung lugar para maging pasyalan...presko pa yung hangin dun..gusto mo dun?"sabi ni roger sa anak na si sally.Alam nyang magugustuhan nang anak nya ang ganung lugar kc mga ganung lugar ang gusto nitong puntahan kapag tinatanong nya kung anong lugar ang gusto nitong pasyalan.
"Talaga pa,ma!?papasyal tayo bukas?".masayang tanong ni sally...mukhang excited na sa kanyang nalaman.
" oo,anak...kaya maagang kang matulog ngayon kc maaga tayong aalis bukas para di tayo tanghaliin,ok?"sabi ni lisa na masaya ding nakatingin sa anak.
"Opo ma.maraming salamat po sainyo.masayang masaya po ako na mamasyal tayo bukas.mag picture picture po tayo ha.."masayang sabi ni lisa.
"O sige,sige,kain na tayo.lumalamig na yung pagkain.".masaya din sagot ni lisa..
Masaya nilang tinapos ang hapunang iyon habang nagkwekwentuhan...
A/N:Parang naboboring ako sa sinusulat ko...hehehe..guys comment lang kayo about sa kwento.kung ayaw nyo naman..ok lang..hehe..basa na lang kayo...ayaw pa din?hays...hahaha...naboborinh talaga ako e...😂😂😂
