UNTITLED

4 0 0
                                    

Taksil, Napaka-taksil ng puso ko
Hindi ko inaasahang sa pagbabalik mo
Ay may mararamdaman pa ako
Mararamdamang pagmamahal sa isang gaya mong gag*

Minahal kita ngunit ako'y iniwan mo
Pinagbigyan kita nung una
Pero di ko akalaing uulitin mo pa
Hindi ko na kinaya kaya hinayaan na lang kita

Kaya di ko akalaing sa pagbabalik mo
Ay muling titibok ng mabilis ang puso ko
Ako'y umasang babalik kang muli sa akin
Ngunit mali pala ang aking iniisip

Mali nga siguro ang aking ginawa
Kaya pipigilan ko ang aking puso
Na ibigin ang isang tulad mo
Ngunit huwag mo sanang kalilimutan na minahal kita ng buong puso.

 PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon