BALIW

4 0 0
                                    

Bakit ganito?
Ang nararamdaman ko
Sa tuwing ika'y aking nakikita
Puso ay tila may karera
.
Sabi nila ay ako'y baliw sayo
Ngunit pano nila nasabi ito?
Kung ako mismo hindi matukoy ang mga nagagawa ko?
.
Simpleng galaw mo lang ako'y napapraning na
Paano pa kaya kung lumapit kana?
Sa tingin ko ay Hindi ko maka-kaya
At baka mahampas ko na sila
.
Sa araw-araw na ika'y aking pinagmamasdan
Aking nararamdaman ay tila nadadagdagan
Sa mala-anghel mong mukha
Puso ko ay binihag mo na
.
Lagi nilang sinasabi na tila ako ay isang baliw
Dahil sa mga aking titig na hindi maialis sa iyo O aking giliw
Pero pano ko ito aalisin sa napaka-gwapo mong mukha?
Na napaka-sarap titigan sa tuwi-tuwina
.
Tama nga sila
Dahil ako'y isang baliw na
Baliw sa iyong mga ginagawa
At sa napaka-anghel mong mukha.

 PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon