MINAHAL NAMAN KITA

4 0 0
                                    

Bakit ganon , sinta?
Minahal naman kita.
Pero bakit puro sakit ang natanggap ko?
At hindi ang pagmamahal mo?

May mali ba?
May kulang ba sa akin?
May nagawa ba akong masama?
Bakit hindi mo sabihin?

Labis akong nagtataka,
Kung bakit ako'y nagawa mong saktan,
Labis na nagtataka,
Kung bakit hindi mo naisip ang aking mararamdaman.

Hindi ko ito inaasahan,
Dahil ika'y minahal ko lang naman,
Pero ano pa nga bang magagawa ko?
Kung nagawa mo ng saktan ang damdamin ko?

Hindi nararapat na ako'y umiyak,
Ni kahit katiting man lang na patak,
Patak na mag-mumula sa aking mga mata,
Dahil minahal lang naman kita, sinta.

 PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon