BAKIT?

7 0 0
                                    

Mahal bakit?
Bakit kailangang iwan mo ako?
Kung pwedeng dito kana lang sa tabi ko?
Kung pwedeng manatili kana lang dito?

Bakit kailangang lokohin mo ako?
Bakit kailangang gawin mo'kong rebound mo?
Anong tingin mo sa akin, kabit?
Na kung kani-kanino kakapit?

Hindi ako gaya ng iba,
Na mag-papakamartyr para sa mahal nila,
Kahit ang totoo ay may mahal na itong iba.

Bakit mo inulit yung dapat hindi na?
Bakit mo ulit ako iniwan?
Kahit sinabi ko ng ayoko na?
Kahit alam mo ng masasaktan lang ako, diba?

Sabihin na nating mahal kita,
Pero hindi sapat yun para ako'y magpa-katanga,
Tao din naman ako at may nararamdaman,
Kaya naman ako'y labis na nasasaktan.

Nasasaktan dahil sa ginawa mong pag-iwan,
Sapat na siguro yun para ako'y sumuko,
Kakalimutan ko na lang siguro ang nararamdaman ko para sa iyo,
Dahil pagod na akong intindihin ang mga kasinungalingan mo.

 PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon