CHAPTER 1 ~ Stupidity ~

159K 2.2K 147
                                    

CHAPTER 1

AUTUMN'S POV

Ang hirap talaga ng buhay ko. Mainlove sa taong hindi ako pwedeng mahalin, mainlove sa taong hindi ko dapat minahal. At ngayon iinom na lang ako para makalimutan ko ang problema ko.

Hindi ko pinapansin yung mga tao sa bar na ngayon ay nakatingin sakin. Malamang dahil sa suot ko. Whatever..hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa kanila.

Naka suot ako ng nakasanayan kong damit. Maluwag na jersey shirt, pantalon at bull cap. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at pinatungan ng cap.

yung bartender hindi na ako pinapansin. Sanay na yang makita ako dito.

"Isa pa."-me

inabutan ako nung bartender nung devils spring vodka.

bahagyang napaangat yung kilay ko ng may tumabi sakin babae. Magandang babae. Kaya lang mas maganda parin ako sa kaniya.

woah! ang yabang ko talaga, bwahaha!

"Hi."

tinanguan ko siya.

weird.

"I'm with my friends..gusto lang kasi kitang ayain baka gusto mong sumama samin. Wala kasi akong date and you really look pretty."

napanganga ako.

tumingin ako sa tinuro niyang mga kaibigan niya at nanlaki yung mga mata ko ng makita kong puro babae ang mga nakaupo doon.

woah!

uh oh

BHO: He's My Secret Agent Fake Husband (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon