CHAPTER 15 ~ With Wynd ~

103K 1.7K 72
                                    

CHAPTER 15

AUTUMN'S POV

Hindi muna ako tumuloy sa BHO. Kumuha ako ng gunting at ginupit ko ng maikli yung damit ko hanggang comportable na ako. Buti nakakita ako ng gunting sa dashboard.

Pinatungan ko ng black jacket pagkatapos ay tinangal ko yung mickey at listening device ko. Pati narin yung sight.

I need some time alone.

Kada magiging si lumia kasi ako napapagod ako eh. Parang nauubos lahat ng lakas ko.

Nag hanap ako ng pony tail pero wala akong makita ka...hinayaan ko na lang yung buhok ko at pumasok sa mall kung saan pumarada ako.

Pinagtitinginan ako pero hindi ko sila pinansin.

May sumipol pa na tinignan ko lang ng masama. Bahala sila sa buhay nila. Libre naman ang tingin..pero once na magtangka sila na hawakan ako.

Bubunutin ko lahat ng ngipin nila.

Dumiretso ako ng department store...tuloy tuloy ako hanggang makita ko yung tig-one hundred na mga damit na halo-halo...napangisi alo ng pinagtinginan nila ako.

Sa itsura ko nga naman ngayon muka akong pang sosyal...tapos puro bargain ang binibili ko.

Hindi ko kasi maintindihan..

Pareho lang namang damit ang signature dress at ang hindi signature. Pangalan lang kasi binibili sa mga mamahalin na mga damit eh.

Bat naman ako bibili ng pangalan?

BHO: He's My Secret Agent Fake Husband (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon