CHAPTER 37 ~ Everywhere ~

104K 1.5K 64
                                    

CHAPTER 37

AUTUMN'S POV

Napapangiti ako habang napapatingin ako kay Wynd na tulog na tulog sa tabi ko. Parang ang dami niyang pinagdaan bago makarating dahil mukang pagod na pagod siya habang natutulog.

Kagabi nauna na siyang matulog dahil nakikipagkuwentuhan pa ako kay Fey. Pag akyat ko naman mahimbing na mahimbing na ang tulog niya.

Bumangon ako ako at kinuha ko yung robe ko.

"Gabriella."

Biglang sumulpot kung saan si Gabriella at tumatalon-talon na lumapit siya sakin. Nakangiting ginulo ko yung buhok niya at inabutan ko siya ng fifty pesos.

Nakatingin lang siya sakin.

"Bili mo ko ng doughnut ha? Kay aling gina."

Tumango siya pagkatapos ay tumakbo na siya paalis. Inayos ko muna yung kumot ni wynd bago ako lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa kusina.

Binuksan ko yung TV sa kusina at nanood ako ng cartoons na hindi ko alam kung anong tittle.

Nang dumating si Gabriella ay inabot niya lang sakin yung doughnut at umalis na. I'm sure maghahanap na naman yon ng butterfly na hahabulin niya.

...

...

"Hmmm?"-me

naramdaman ko na may pumulupot na mga braso sa bewang ko.Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman na si Wynd yung nasa likod ko.

"Pakagat."-wynd

BHO: He's My Secret Agent Fake Husband (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon