CHAPTER 40
AUTUMN'S POV
Nakatingin ako kaila Wynd habang nag te-training sila. Nakapatong yung muka ko sa kamay ko na nakatukod sa lamesa. Kanina pa kasi ako bagot na bagot dito.
of course...hindi ako pinayagan ni Wynd kahit na mag training lang. Kaya nakatunganga ako dito habang naiinggit ako sa kanila. Bawal daw akong humawak ng baril.
-___-
kaloka lang no?
Hinidi na nga ako pwede sa mission bawal din sa training. Para na akong wall flower dito. Isa pa..ayaw pa niyang pumayag na hindi ko siya panoorin.
ako daw kasi ang lucky charm niya kaya kailangan akong manood. Para lang sinabi ng magnanakaw na tumawa ako habang ninanakawan niya ko.
Kung bakit naman kasi porke buntis lang hindi na pwede. Hindi naman ako mapapahamak. Actually suot ko nga yung incredible. Dahil kapag nalingat ng sandali si Wynd.
Sasali ako.
Napatingin ako kaila Hurricane na napapatingin sakin. Nakikita kong nauunawaan nila yung nararamdaman ko...kaya baka sakali mamaya pagbigyan nila ako.
...
...
lumapit sakin si Wynd ng matapos sila. Pawis na pawis siya pero parang nakadagdag lang yon sa kagwapuhan niya. Nakangiting yumuko siya at hinalikan ako bago lumayo ng konti para punasan niya yung sarili niya.
"Mag sha-shower lang ako."-wynd
nakangiting tumango ako.
Nang mawala na siya sa paningin ko nakangiting lumapit ako sa isang bahagi ng training room at may kinuha akong maliit na bagay don. Actually its a mascara. O mas tamang sabihin muka siyang mascara na pang make-up.
BINABASA MO ANG
BHO: He's My Secret Agent Fake Husband (Book 7)
Adventure(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Fake Husband (Two books), now a published book under LIB creatives. Php 129.75 Available at all Precious Pages branches, National Bookstore, Pandayan, Expression and BookSale. Please do grab a copy :) Thank yo...