CHAPTER 49 ~ Family Day ~

102K 1.4K 43
                                    

CHAPTER 49

AUTUMN'S POV

Bumangon ako ng marinig kong umiiyak yung isa sa kambal. Si Aiere I think. Si Fiere yung baby boy namin at si Aiere si baby girl. Kadalasan sabay silang sumpungin. Kaya parang laging may concert dito sa kwarto namin sa BHO.

Iniisip ko na lang na kung mahirap mag alaga ng kambal. Pano pa kaya ang triplets nila Ate Wynter at ang quadruplets nila Ate hurricane?

Lumapit ako sa crib at kumunot yung noo ko ng makita kong wala don si Fiere..binuhat ko ang naghuhumiyaw na si Aiere at pilit na pinatatahan ko siya.

"Ang ganda-ganda naman ng baby ko..nasan si kuya ha? kinuha ba ni papa?"

napangiwi ako na imbis na tumahan lalo siyang umiyak. Sinisigawan na niya ako, actually. Sinayaw-sayaw ko siya habang iniisip kung nasaan si Wynd.

Pinindot-pindot ko yung chubby na pisngi ni Aiere..lalong namula yung muka niya kakaiyak. Napabuntong-hininga ako at nag lakad ako papunta sa bathroom.

wala.

sa kusina..wala din. Kung sabagay ano naman ang gagawin ni Wynd sa loob ng kusina? Nag lakad-lakad ako at tinignan ko yung iba pang lugar sa kwarto namin.

Binuksan ko yung laundry area

...

...

Kahit nakapikit malalaman ko ng nandito sila bago ko pa mabuksan ng malaki yung pinto. Parang serena na ng bumbero yung iyak ni Fiere.

Naabutan ko si Wynd na kasalukuyang nag lalaba habang inuugoy nung isang paa niya yung stroller ni Fiere. Napangiti ako sa itsura ni Wynd.

Wala siyang suot na pang taas habang naglalaba siya kaya parang ang sarap niyang gahasain. Mukang nakahinga ng maluwag si Wynd ng biglang tumahimik si Fiere.

BHO: He's My Secret Agent Fake Husband (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon